"Papa, napagdesisyunan po namin na manatili na lang ni Prim dito." Natahimik ang mesa. Alangan ang naging ngiti ni Yna dahil hindi niya mabasa ang reaksyon ng biyenan na lalake. Umangkla siya braso habang nakangiti. "Dito po kami magsisimula muli mag-asawa." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jaime. "Hindi na po aalis sa trabaho si Prim at-" "Ito ba ang hiniling niya sa iyo?" Napakurap si Yna. Bumaling si Jaime sa anak na si Prim. "Hindi kayo aalis sa unit na ito at ganoon ka na rin sa trabaho-" "Papa-" "Ikaw lang lahat ang magbe-benefit sa lahat ng plano mo," seryosong awat ni Jaime kay Yna. Napatingin si Yna nang alisin ni Prim ang braso sa pagkakapit niya habang nakatitig sa ama. "Anong gusto niyong sabihin, Papa?" "Kailangan ko pa bang sabihin?" "Hindi mo pa ba nakikita

