Nakatitig si Yna sa salamin habang nasa loob ng cr. Pinagkatitigan niya ang sariling repleksyon habang may luha. "Ako nga siguro ang mali." "Mali ako na pakasalan ka." Mas dumami ang mga luha niya na tila marinig ang boses ng asawa na sabihin ang mga salitang iyon. "Ako nga siguro ang mali." "Mali ako na pakasalan ka." Paulit-ulit ang boses na iyon sa tenga niya. Kaya nabibingi niyang tinakpan ang dalawang tenga. "Tama na." "Ayokong marinig 'yan." "Ako nga siguro ang mali." "Mali ako na pakasalan ka." "Tama na. Ayoko ng marinig 'yan." Napaupo siya sa sulok habang umiiyak at sapo ang dalawang tenga. Nakayuko siya roon habang humahagulgol. "Bakit mo nasabi 'yan, Prim?" "Ginawa ko ang lahat. Naging mabuti akong asawa." "Tiniis ko ang lahat." "At sa huli, magiging pagkakamali l

