Isang sipol ang narinig ni Samantha nang makapasok ng bar. Sa counter agad ng bar ang tanaw nito. "I got you, Prim," sinalimpad nito ang buhok at naglakad. Napatingin si Prim nang may nagsalin ng alak sa baso niya. "I knew it, you're here." Kumunotnoo siya. "Paano ko nalaman na nandito ako?" Inokupahan nito ang silya. "Kilala na kita, Prim. Alam ko kung saan ka makikita." Inabot nito ang baso ng alak kay Prim habang nakahalumbaba. "Anong problema?" Umiwas ng tingin si Prim at tinungga ang alak. "Prim," inakbayan nito si Samantha. "Hindi mo pa ako girlfriend, but I can be your friend. You can tell me everything, maybe I can help." Pinalandas nito ang daliri sa pisngi niya. Iniwas naman niya ang mukha. Napairap si Samantha. "Please, magulo na ang buhay ko ngayon -" "O, bakit parang

