"Prim?" nagmamadaling lumabas ng kwarto si Yna nang marinig ang pagbukas ng pinto. Bumagal ang hakbang niya nang makita kung sino ang nakaalalay sa asawa. Napaatras siya nah banggain ni Mercedes na nagmamadali rin. "O, nandyan na pala kayo." Doon lang nagtaas ng mukha si Samantha. Nasa balikat ang braso nito sa lasing na lasing na si Prim. Napangiti si Sam nang makita si Yna. "Naku, naabala ka na namin," ang biyenan niya ang lumapit dito. Agad na tinulungan ang dalaga sa pag-alalay. "Ang bigat naman nito," reklamo ni Patricia at Sam. Akmang tutulong si Yna nang lampasan siya ng mga ito. Napatingin siya sa sarili. "Where's Prim's room?" tanong nito. "Hoy, Yna. Buksan mo nga itong pinto. Ikaw ang asawa pero nakatulala ka riyan." "It's okay, Tita," singit ni Samantha. "I'll do it,"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


