"Ikaw, ha?!" mabilis na iniwas ni Yna ang karga na si Cattleya nang may ibato ang biyenan nang makapasok sila sa kanilang unit. Tiningan niya ang kahon na lumipad at iniwasan niya. Bago muling sinalubong ang tingin ng biyenan na galit na galit. "Mama, dala-dala ko ho si Cattleya. Baka tamaan naman ho ang anak ko," katwiran niya. "O, e, 'di kung tamaan kasalanan mo!" dinuro pa ni Mercedes ang manugang. "Kasalanan mo dahil kinukwento mo kami sa daan," dagdag nito. "Mama, hindi ho totoo 'yan-" "Sinungaling!" Nanlalaki ang mga mata ni Yna na nakipagtitigan sa biyenan. "Mama-" "Paano nalaman ng matandang dalaga na iyon ang tungkol sa amin? Bakit ang lumalabas ay para ka naming inaapi?" "Sinisiraan mo kami?" "Mama, hindi." Sinundan niya ito nang magtungo sa sala. Nakatalikod ang biyen

