KABANATA 20

1061 Words
"Good morning, Engineer Prim." Napatingin si Prim sa bati na iyon nang makababa ng kotse. Naroon ang ngiting-ngiti si Samantha. "Wala man lang ba akong good morning diyan?" pinaganda pa nito ang mga mata kaya siya napangiti. "Got you! Ngumiti ka rin," umabrisyete sa kanya ang dalaga. "Kanina, natatanaw kita na nakasimangot." Iniharap ni Samantha si Prim. Hinawakan nito ang makakapal na kilay ng inhinyero. "Magkasalubong na magkasalubong 'to. May problema ba?" Huminga nang malalim si Prim at umiwas ng tingin. Muli siyang napatingin sa dalaga nang maramdaman ang paggapang ng daliri nito sa dibdib niya pababa. "I can help you to forget." "Kahit sandali lang," napalunok siya ng laway nang maging kaakit-akit ang mga mata nito. Hindi niya napigilan mapatingin sa labi nitong pulang-pula na kinagat pa dahilan para mahirapan siya huminga. "May problema ba sa bahay niyo?" "Sa asawa mo?" "Sinong problema mo?" Natigilan si Samantha nang hawakan ni Prim ang kamay niya. Naghinang ang mga mata ng dalawa habang nasa harap ng building. "Paano kapag sinabi kong, ikaw ang problema ko?" seryoso tanong ni Prim. Napangiti ang dalaga. "Kung ganoon, ang ganda naman ng problema mo." Muling kinabahan si Prim nang dahan-dahang hinawakan nito ang mga kamay niya habang nakatitig sa kanya. "Pero teka, tama ba ako?" tanong nito. "Naaapektuhan ka sa tingin ko?" "Sa hawak ko?" "Ano bang nararamdaman mo sa tuwing lumalapit ako?" Napapikit sandali si Prim nang lumapit bigla ang katawan ni Samantha. "Tell me, nakakalimutan mo ba ang asawa mo kapag malapit ako sa iyo?" Nagtitimping tinitigan niya ang inhiyera na walang pagitan ang katawan sa kanya. "Mas gusto mo ba talaga akong problemahin kaysa sagutin?" "Prim, it's just a yes or no. Pero parang ang hirap mong sabihin na oo at hindi. So, umaasa ako," pinalandas nito ang daliri sa gilid ng mukha niya na nag-iigtingan ang panga. "Na hindi mo tatanggihan ang alok ko." "Alam ko, gusto mo rin ako." "Ang hindi ko alam, bakit nilalabanan mo?" "Engineer!" Agad na lumayo si Prim nang marinig ang sigaw ng kasama. "Engineer Karlo," pilit ang ngiti niya habang kinabahan. Kinampay nito ang kamay habang nasa ilang baitang ng hagdan. Lumapit siya rito, kasu-kasunod si Samantha. "May good news ako," aniya ng technical specialist. Magkapanunod silang naglalakad nito. "I've heard na may promotion na mangyayari today." "Really?" na sabik niyang tanong. "Oo ang sabi, darating mamaya ang managing director para mag-promote at mag-assign ng mga engineer para sa isang malaking construction project." "For sure, ma-po-promote ka," singit ni Samantha. Napangiti siya dahil doon. "Yna!' Napangiti si Yna nang pumasok sa convenience store. "Good morning, Aling Rosie." "Good morning din. Good morning din, baby girl," bati nito kay Cattleya na nasa stroller at tulog. "Umupo ka riyan at magdadala ako ng kape." Inokupahan niya ang silya. "Kumusta ang gabi niyo ng mister mo?" Naglaho ang aliwalas ng mukha ni Yna. Seryoso niya na lang itinitig ang malulungkot na mga mata sa umuusok na kape. "Wala pa rin epek?" tila nabasa ang kaharap ang nararamdaman niya. "Wala ho, e." Napatalatak ito. "Ganiyan talaga ang mga lalake. Kapag nakakita na ng ibang putahe-" natigilan si Rosei nang marinig ang malalim na hininga ni Yna. "Ay, pasensiya na." Ngumiti siya nang malungkot. "Ang bilis ho ng pangyayari, Aling Rosie." Napangiti ito nang mapait. "Parang kahapon lang, ako pa ang mahal niya. Pero ngayon, hindi ko na maramdamang kasama ko siya." "Na ako ang asawa niya, na mahal niya ko na masaya siya kapag ako ang kasama niya. Kapag sa gabi ako ang katabi niya sa kama," pumatak ang mga luha ni Yna. Inabot naman ni Rosie ang kamay niya. "Hay, ang aga-aga. Umiiyak ka na naman, Yna. Sana nagsabi ka sa mga biyenan mo, kahit doon na lang sa lalake at mukhang impakta 'yong biyenan mong babae." Pinunasan ni Yna ang mga mata at parang nabuhayan ng loob. May ngiti niyang sinalubong ang tingin ni Rosie. "Tinutulungan ho ako ni Papa." "Ng Papa mo?" "Oho, Aling Rosie. Humingi ako ng tulong sa kanya para ipalipat ng trabaho ang asawa ko." "Ilipat?" "Oho. Atsaka nga ho, Aling Rosie. Lilipat na kami ng bahay." "Talaga ba?" "Opo, namili si Papa ng bahay. Sana makumbinsi niya ang asawa ko na iwan ang trabaho niya. Kung sinuman ang babaeng lumalapit sa asawa ko, maiwasan niya." "Magandang balita 'yan pero, lilipat ka na pala?" Natigilan si Yna. "Ngayon pa nga lang tayo nagkakwentuhan," malungkot na saad ni Rosie. Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay nito. "Aling Rosie, dadalaw ako rito. Kapag kailangan ko ng kausap, kayo ang pupuntahan ko." Tumango ang matanda. Sabay silang napalingon nang kumalabog ang pinto. "Nandito ka lang pala," singhal ni Mercedes. Agad na napatayo si Yna. "Mama?" "Alam mong naghahanda na tayo ng gamit para sa pag-alis natin sa condo. Tapos nandito ka lang nakikipagkwentuhan?" Nakapamewang nitong tanong. "M-mama-" "Ano naman kung nandito siya?" Nakakunotnoong napatingin si Mercedes kay Rosie na nakangiti pa. "Kinakausap ba kitang matandang dalaga ka?" pagsusungit ng biyenan. Hinawakan na niya ang stroller ng anak. "Hoy, matandang bruha. Manugang mo si Yna, hindi kasambahay," sagot ni Rosie. Lumapit ito sa mesa nila habang siya ay gulong-gulo. "Sinong bruha? Ako?" "Sino pa ba sa tingin mo?" ginaya pa ni Rosie ang pagkakapamewang ni Mercedes. "Kung umasta ka, parang alipin mo si Yna. Asawa siya ng anak mo, ina siya ng apo mo pero ang turing mo sa kanya ay kasambahay." "Iyan ba ang sumbong ng lokaret na 'yan sa iyo?" sinulyapan pa ng may masamang tingin ni Mercedes si Yna. "Hindi siya nagsumbong pero sa pagkakarinig ko sa tono mo at sa hilatsa ng pagmumukha mo ay para kang matapobreng madam." Hinampas ni Mere ang ibabaw ng mesa na ikinagulat ni Yna at Cattleya dahilan para magising ito at umiyak. "Hindi lang ako matapobre, napatol din ako sa matandang dalaga na may pangit na tindahan at nakikilam sa may pamilya ng may pamilya." "Hoy, matandang bruha-" "Tama na ho," nagmamadaling humarang si Yna kay Rosie. Hinawakan niya ito sa mga braso. "Aling Rosie, tama na ho. Ako na ho ang nanghihingi ng pasensiya." "At bakit ka hihingi ng pasensiya sa matandang dalaga na 'yan?" singhal ni Mercedes. "Halika na, hindi ka na babalik sa pangit at maruming tindahan na ito!" sigaw sa galit ng biyenan at naunang lumabas. "Pasensiya na ho, Aling Rosie." "Yna, paano mo natitiisan ang ugali ng biyenan mo na 'yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD