"Yna at Prim."
Sabay na napatingin ang mag-asawa kay Jaime na kaharap nila sa mesa at kumakain ng almusal kinaumagahan.
"Papa?" tanong naman niya.
"Mag-empake na kayo."
Napatingin si Yna sa asawa bago sa biyenan na lalake at babae habang may pagtataka ang imahe.
"B-bakit ho?"
"Saan ho kami pupunta?"
"May nagawa ho ba kami?" kinakabahan niyang tanong.
"Papa, kung tungkol ito sa away naming mag-asawa-"
"No, Prim," putol ni Jaime kay Prim.
Napatingin sila kay Hilda na patuloy lang sa pagkain at walang interes sa pinag-uusapan njla.
"E, ano ho, Papa?" tanong ni Yna na hindi maiwasan ang kabahan.
Ngumiti si Jaime. "Lilipat na kami ng bahay at isasama namin kayo."
"Ho?" bulalas niya.
"Binenta ko na ang condo unit na ito para ilipat tayo sa mas malaking bahay."
Napangiti siya sa malasakit ng biyenan.
"Hay, ang sabi ko nga, ba't hindi na lang kayo iwan dito?" Napunit ang ngiti sa labi ni Yna nang marinig iyon kay Hilda na padabog pang binitawan ang kubyertos.
Sumandal ito at nakataas ang isang kilay na sinalubong ang mga mata niya.
"O, kaya, ikaw na lang ang maiwang mag-isa," dagdag pa nito.
Natahimik si Yna. "Hilda," awat naman ni Jaime sa asawa.
"Papa," napatingin si Yna kay Prim na seryoso ang mukha. "Puwede niyo naman na kaming iwan dito. Alam niyong malapit ito sa trabaho ko."
"Ang gusto ko, nakikita ko kayong mag-asawa, kung anong nangyayari sa inyo. Ganoon na rin sa apo kong si Cattleya at si Yna."
Sinalubong niya ang mga mata ng biyenan. "Kung inaaalagaan mo ang mag-ina mo, Prim."
Nakita niya ang pag-irap ng asawa kaya mabilis siyang ngumiti at umabrisyete rito. "Papa, maalaga ho sa akin ang asawa ko, at sa anak namin. Kung kami ang inaalala ninyo, hindi na dapat, Papa," singit niya.
"Congratulations, Papa!" naputol ang usapan nila sa masayang sigaw ni Patricia. Yumakap at humalik ito sa ama at ina.
"Balato naman, Papa. Big-time ka na. Mayroon na kayong bagong house and lot," sunod-sunod na bati nito.
Nilinga ni Yna si Prim na inalis ang kamay niya sa pagkakapit dito. "Nakain ako," matabang na raso nito na hindi sinalubong ang mga mata niya.
"Okay, sorry," aniya.
"Mama, dapat happy kayo. May bago na kayong bahay. Hindi ba't, ang gusto mo ilipat ka ni Papa ng bahay?" umupo na si Patricia sa bakanteng silya.
"Yna, plato, please," utos pa nito sa kanya.
"Si-sige. Sandali lang," tumayo siya at nagtungo sa lalagyan ng mga plato.
"Mama," tawag ulit ni Patricia kay Hilda.
"Paano ako matutuwa? Isasama ng Papa mo ang lahat," inis na sagot ni Hilda. Napatingin naman si Patricia kay Prim na kumakain habang pigil ang paglaki ng butas ng ilong dahil sa inis.
"O, e, ano naman, Mama? Hindi ba, gusto niyo namang makasama si Prim sa iisang bahay? Paborito niyo nga 'yan, e."
Bwisit na hinarapan ni Hilda ang anak na panganay. " Si Prim, gusto kong makasama pero 'yang asawa niyan," nang hahaba pa ang nguso niyo na lumingon kay Yna na nakatalikod nasa lababo at kinukuha ang plato.
"Hindi."
Pigil ang tawa ni Patricia.
"Tumigil nga kayo," saway ni Jaime.
Natahimik ang mag-ina. "Hilda, asawa siya ng anak mo," seryosong sinulyapan pa nito si Prim na napahinto sa pagkain.
Muling binalingan ni Jaime ang asawa at anak. "Kaya kung nasaan dapat si Prim, kasama si Yna at ang anak niya."
"Ganoon ang mag-asawa."
Lihim ang pagbuga ng hininga ni Prim. Naalala niya si Samantha na hindi niya alam kung bakit.
"Isasama natin si Yna, dahil pamilya natin siya. Hindi siya maiiwan," patuloy na panindigan ni Jaime.
Nakangiting bumalik si Yna na walang ideya na pinag-uusapan siya ng pamilya ng asawa habang nakatalikod.
"Ate, ito na ang plato mo. Lalagyan kita ng ulam-"
"Busog na 'ko," natigilan si Yna nang tumayo ang biyenan. Napatingin siya kay Patricia.
"Ako rin pala, Yna," sumunod ito sa Yna. Siya naman ay napatingin sa hawak na plato.
Nilinga niya si Prim na tumindig na rin.
"Mauna na rin ako. Kailangan na ako sa trabaho," tumalikod na ito at lumabas ng kusina.
Nagmamadali naman niyang ibinaba ang hawak at hinabol ang asawa. "Sandali lang, honey."
Naabutan niya ito sa pinto. "Hon, baka may gusto kang lunch? Puwede kitang dalhan sa kompanya mo-"
"May cafeteria kami," sagot nito habang sinusuot ang sapatos nang nakayuko.
"Anong oras ang out mo?" patuloy ni Yna habang abang na abang na magtaas ito ng mukha.
"Naisip ko lang na puwede ka naming hintayin ni Cattleya sa mall para makapaggala naman tayo."
Nagtaas ang seryosong mukha ni Prim na hawak pa ang strap ng bag. "Marami kaming deadline," walang emosyong sagot nito.
Bumaha ang dismaya sa mukha ni Yna. Nang matitigan ang walang ganang mukha ng asawa ay pilit siyang ngumiti.
"Oo nga pala. Sa weekends, ako ang magpa-plano. Magpunta naman tayo sa park para maipasyal si Cattleya."
"Sagad ang trabaho ko, puwede mong bang ibalato na lang sa akin ang sabado at linggo para sa pahinga ko."
Kumurap ang mga mata niya. "Mauna na ako."
Nanatili siyang nakatayo at pinanood ang umalis na asawa. Pigil niya ang luha nang kumaway nang maliit.
Sa pag-ikot ay nakita niya ang biyenan na lalake, pilit siyang ngumiti rito.
"Okay ka lang, Yna?"
Tumango siya at pinigilan ang luha.
"Heto."
Napatingin siya sa inaabot nitong brown na envelope. "Kunin mo. Tingan mo, at makikita mo ang lugar na puwede niyong simulan muli ang buhay niyong mag-asawa."
Tinapik pa siya ng biyenan sa balikat nang lampasan. Nang marinig ang pagsarado ng pinto ay binuksan niya ang envelope.
Tumulo ang luha niya roon nang makita ang isang litrato ng magandang bahay. Nilinga niya ang pinto kung saan lumabas ang biyenan.
Nagmamadali siyang lumabas.
"Papa!"
Napahinto si Jaime na nasa harap na ng building at labas ng condominium. May hingal si Yna na lumapit dito.
"Ano 'yon, iha?"
Nilunok niya ang laway at buong tapang na tinitigan ito sa mga mata.
"Yna?"
"Papa," sandali pa siyang natigilan para isipin ang bagay na sasabihin.
"Ano 'yon?"
"Papa, puwede niyo bang hilingin kay Prim na lumipat siya ng trabaho?" lakas-loob niyang tanong.