"So-sorry," mahinang wika ni Prim. Sinalubong ni Yna ang mata ng asawa habang may pilit na ngiti. "A-ayos lang." Hinawakan siya ng asawa para igiya na bumaba. "Linisin mo na 'yan." Alangan ang nasa labi niya nang bumaba at pinanonood ang pagtungga nito ng baso bago humarap sa kanya. "Ma-mauna na ako sa kwarto," kita niya ang kaba sa mata ng asawa. Pilit ang maliit niyang pagtango at ngiti. "Sige, susunod na 'ko. Liligpitin ko lang 'to." Sinundan ng tingin ni Yna ang lumabas na asawa, nang makaalis ito ay doon lang lumungkot ang mukha niya. At napatingin sa kalat sa sahig. Pinunasan niya ang luha bago nagsimulang magligpit. "Tsk. Tsk. Tsk." Huminto ang kamay niya sa narinig na palatak. "Yna. Yna. Yna." Naroon na naman ang boses. Agad siyang napatingin sa paligid. "Palayo na nang

