"Engineer Primitibo."
Huminto si Prim sa pagsusulat at napatingin sa kape na nasa mesa. Tumingala siya sa nakatayo sa kanyang tabi.
"Overtime ka rin?" tanong ni Samantha.
"Yes. May tinatapos lang ako," muli niyang binalik ang atensyon sa ginagawa.
Pero natigilan din nang dumukwang ang babae sa tabi. Hindi niya na tinangkang lumingon dahil siguradong mababangga ng mukha niya ang dibdib nito.
"Here's your coffee para hindi ka dalawin ng antok."
Pinatigas ni Prim ang leeg. Sinulyapan niya ang daliri ng inhinyera na nasa braso niya.
"I'm the only one left in my place. Can I move here so I won't be alone?"
"Go ahead and take the other chair."
"Thank you, Engineer."
Nakahinga lang siya nang umalis si Samantha. Nasulyapan niya ang tumunog na cellphone.
"Hello, honey?" napangiti si Prim nang marinig ang boses ni Yna.
"Prim?" ulit nito.
"Yes, honey?"
"Anong oras ka makakauwi?"
Tiningan niya ang suot na relo.
"10 or 11. Kumain ka na huwag mo na akong hintayin."
"Gisingin mo ako kapag nakauwi ka na para maipaghanda kita ng makakain, ha?"
"Hm."
"Engineer, dito na lang ako."
Napakunotnoo si Yna sa narinig na boses. May ilang segundo bago siya muling nakapagsalita.
"Si-sinong kasama mo?"
"Engineer din."
Nalunok niya ang laway.
"Babae?"
Natigilan si Primitibo, sinulyapan si Samantha bago tumayo at lumayo.
"Yes. Bakit?" tanong nito.
"Wala naman," nag-aalalang boses niya.
"You sound worried."
"Hi-hindi, ha?"
Malungkot na sinulyapan ni Yna ang anak na nasa kama bago napakurap ang mga mata.
"Wala kang dapat ipagaaalala. Hindi kita ipagpapalit sa iba. Nandito ako para magtrabaho at pag-uwi ko, sa iyo pa rin ako buong-buo."
Napangiti siya sa kasiguraduhan na iyon mula sa asawa. Humiga siya sa tabi ni Cattleya.
"Mag-ingat ka pauwi."
"Opo. Goodnight."
Nakangiting ibinaba ni Yna ang cellphone at niyakap ang anak.
"Asawa mo?"
Sinulyapan ni Primitibo si Samantha nang makabalik siya sa silya.
"Oo, may anak na kami isa."
Inokupahan niya ang silya at nagsimulang magtrabaho.
"Ganoon ba? Sayang naman," natigilan siya sa narinig.
Dumukwang ito sa mesa para silipin ang mukha niya habang nakanguso. Sinalubong niya ang tingin nito.
"What do you mean, sayang?"
"You seem like a great boyfriend material."
Ngumisi si Primitibo at muling hinarapan ang ilang blueprint na ginagawa.
"How many months have you been here in firm?"
"Three months."
"That's why you didn't know that I'm married. I'm the husband of a beautiful person and have a happy family."
Itinuwid na ni Samantha ang likod at patamad na itinuloy ang kaharap na trabaho.
"Pero hindi ibig-sabihin no'n, hindi ka na puwedeng maging boyfriend."
Nakakunotnoong luminga si Primitibo rito. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat.
"I'm just kidding, Engineer!"
Tinitigan niya si Samantha habang nag-aarko pa rin ang mga kilay.
"Shall we go back to work?" tanong nito bago ituon ang atensyon sa sariling mesa.
Tumaas lang ang kilay ni Prim at huminga nang malalim. Hindi niya gusto ang ipinahihiwatig ng katrabaho.
Agad siyang tumayo at niligpit ang mga gamit sa mesa. Bago hinila ang suit sa silya.
"Sandali," rinig niya ang boses ni Samantha habang nagliligpit siya.
"Tapos ka na agad sa trabaho?" patuloy na tanong nito.
Humarap siya para humakbang pero humarang si Samantha na mas ikinalinya ng noo niya.
"Are you leaving because of me?"
Nahigit niya ang hininga nang ilapat nito ang mga palad sa dibdib niya.
"You don't need to do this. You need to finish your work," ngumiti pa ito at nagpa-cute.
Kinakabahan na hinawakan ni Prim ang kamay nito at inalis.
"You can't touch me like that. I'm married," nanatiling kulong ng palad niya ang dalawang kamay nito.
"Pero wala naman dito ang asawa mo."
Malagkit ang tingin na sinulyapan ni Samantha ang kamay na hawak ni Primitibo. Kakaiba ang dumadaloy na kuryente sa katawan niya habang hawak ng pinakagwapong inhinyero sa firm nila.
"You can touch me like the way you touch me now, even if secretly."
May pwersa na binawi ni Primitibo iyon dahil sa naramdaman na kaba. Binalya niya ito at tumalikod.
"Aray!"
Gulat siyang napalingon. Naroon si Samantha nasa sahig at nakakapit sa mesa.
"I'm sorry. Anong nangyari?" nag-alalang tanong niya habang hindi ito mahawakan.
"Ang sakit," iyak-iyakan ni Samantha.
Napipilitang hinawakan at itinayo ni Prim ang inhinyera. Sinilip niya ang mukha nito.
"Anong masakit?"
"Iyong paa ko."
"Come, sit."
Inalalayan niya itong umupo sa swivel chair at nagtungo siya sa paanan ni Samantha. Sandali niya itong tiningala.
"I'll take off your sandals," paalam niya.
"Ye-yes, please."
Matigas na nalunok ni Primitibo ang laway. Hindi sinasadyang bumaba ang tingin niya sa kabuuan ni Samantha. Napakurap-kurap siya nang mapatingin sa mapuputing hita nito.
Pilit niyang ipinilig ang ulo at sa paa nito nagpokus. Inalis niya ang suot nitong sandals at hinawakan ang paa.
"Ahh," daing nito.
"Masakit?" tanong niya nang tingalain ito.
Kinagat ni Samantha ang ibabang bahagi ng labi na parang nasasaktan.
Pero iba ang dating niyon sa kanya.
Nanginginig ang kamay niyang ipinagpatuloy ang pagmasahe sa paa nito.
"Ang sakit," patuloy na ungol ni Samantha at lihim na sinulyapan si Primitibo na nagsisimula nang pawisan.
Napangiti ang inhinyera.
"Ahh.."
"Ang sakit, Engineer."
Nagulat siya nang bitawan nito ang paa niya nang walang ingat bago tumayo.
"Uuwi na ako," talikod ni Primitibo.
"E, ako? Paano ako uuwi?" tanong ni Samantha. Natigilan naman siya at gigil ang mukha.
"Kung hindi mo kayang maglakad. Isasabay kita," sagot niya at nagpatiunang maglakad.
Mabilis na tumindig si Samantha. Nagmamadaling isinuot ang sandalyas at hinablot ang bag.
"Sandali, Engineer!"
"Hintayin mo 'ko!" dire-diresto ang lakad nito nang makalabas ng opisina. Nang lumingon si Primitibo kay Samantha ay nagika-ikaan ang inhinyera.
"Sandali, hintayin mo ko. Ang sakit kaya ng paa ko."
Pinapanood ni Prim si Samantha. Dahil hirap itong maglakad ay nakadama siya ng awa at konsensya.
Hinintay niya itong makalapit at inalalayan itong maglakad. Lihim ang ngiti ni Samantha hanggang sa makalabas ng kumpanya.
"Where's your car?"
"Wala akong kotse, nasa pagawaan."
Napahinga siya.
"Puwedeng sumakay sa iyo?"
Bwisit niyang nilinga si Samantha.
"Sa kotse mo, I mean."
Hirap siyang nagdesisyon.
"Okay lang naman ako. You can go," aniya Samantha at naglakad.