Paikot-ikot si Yna sa sala, alas-dose na ng gabi at wala pa ang asawa. Hanggang sa tumunog ang kanilang pinto.
Nagmamadali siyang nag-abang dito.
"Prim," bati niya. "O, ba't gising ka pa? Sabi ko, huwag mo na akong hintayin, 'di ba?"
Yumakap si Yna nang lumayo at humarap sa asawa ay nagtataka ang mukha niya. "W-why?" kinakabahang tanong naman ni Prim.
"Mag-iba ka ba ng perfume?"
Kumurap ang mata nito. "A, ano," nauna na itong maglakad. May pagtataka pa rin ang imahe niya.
"Ma-may isinabay akong katrabaho," nakarating na sila sa loob ng kwarto at nag-aalis na si Prim ng kurbata.
"Katrabaho?" ulit niya at naalala ang boses babae na narinig sa kabilang linya. "I-iyong babaeng engineer ba?" mahinang tanong niya.
"Yes," hinubad ng nakatalikod na asawa ang suot na long sleeve na polo.
"Ba-bakit kailangan mo pa siyang isabay?"
"Wala 'yong kotse niya."
"Wala bang iba puwedeng magsabay sa kanya?" nagsimula niyang hawakan ang mga kamay.
"Kami na lang ang natira sa firm."
"Kayo na lang dalawa? Bakit nasaan ang iba niyong kasamahan?"
"Tinatapos ko 'yong project at-" kusang natigilan si Prim na hubad na polo. Nag-aarko ang mga kilay niyang nilinga si Yna habang nasa madilim silang kwarto.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" may inis niyang sambit.
"Hi-hindi ba ako puwedeng magtanong?" pagbabalik naman ni Yna.
Nag-ipon ang mga luha niya sa inis na nararamdaman. "Hindi ko ba puwedeng itanong kung bakit ginabi ang asawa ko?"
"Sinong babae ang kasama mo sa dis-oras ng gabi?"
"Bakit mo siya sinabay-"
"Are you thinking I'm having an affair?" guilty na tanong ni Prim.
"Nagtatanong lang ako-"
"Iba ang nagtatanong sa naghihinala."
"Prim-"
"Overtime ako sa trabaho tapos ito ang isasalubong mo. How selfish are you?"
"Prim-" akma siyang lalapit pero dire-direstong lumabas ang asawa.
Naiwan si Yna na may luha. Tiningan niya ang nga nagkalat na damit nito. Isa-isa niya iyong kinuha.
"Pagod siya sa trabaho, dapat hindi iyon ang isinalubong ko sa kanya," kausap niya sa sarili.
"Ano ka ba? Tama lang ang ginawa mo. Dapat mo lang protektahan ang asawa mo sa mga hitad na babae riyan?"
Nagmamadaling napatingin sa paligid si Yna nang marinig ang boses na iyon. Nagpalinga-linga siya sa loob ng madilim na kwarto.
"Sino 'yan?" kinakabahan niyang tanong.
Hanggang sa napahawak siya sa nanakit na ulo. "A-aray."
"Hahayaan mo na lang ba na sumakit ang ulo mo, Yna? Pakinggan mo kasi ako, huwag kang magpapadala sa paliwanag ng asawa mo. Kailangan mo siyang bantayan-"
"Sino ka ba? Huwag mo akong kausapin!" mabilis siyang lumabas ng kwarto.
Napahinto siya nang matanaw ang nakahubad na si Prim at nakatanaw sa babasaging bintana.
Dahan-dahan siyang lumapit dito.
"P-Prim, sorry."
Seryoso siyang nilinga nito.
"Ayaw na muna kitang makausap."
Nilampasan siya nito at pumasok sa loob. May luha niyang sinundan ito ng tingin.
"Good morning, Prim!"
Napahinto si Prim nang maabutan sa mesa si Yna. Ganoon na rin ang maraming pagpipiliang almusal.
"Mag-breakfast ka na," may alangan niyang nilapitan ito. Sandaling naghinang ang mata nila bago tumango at ngumiti ito sa kanya.
"Sorry kagabi, I was tired-"
"Kalimutan mo na 'yon. Kumain ka na," pinaghila niya ito ng silya.
"Papa, good morning po."
"Good morning, Yna."
"Upo ho kayo," pinaglaaan niya ng silya ang biyenan na lalake. Ngiting-ngiti siya habang pinanood ang mga ito.
"Hoy, Yna. Iyong anak mo, kanina pa umiiyak," bungad ni Hilda. "A, opo, Mama."
Nagmamadali siyang lumabas ng kusina. Kinuha niya ang anak na nasa crib, binuhat at inalo-alo.
"Nag-away yata kayo kagabi?" tanong ni Hilda kay Prim.
"Ano muna ho ang nangyari kay Ate Patricia? Bakit naaksidente si Daniels?" sagot ni Primitibo at itinaas ang mukha.
Umismid naman si Hilda, at kinagat ang pandesal. "Pabaya 'yang asawa mo, simpleng pagbabantay ng bata. Hindi nagawa-"
"Hindi obligasyon ni Yna na bantayan ang anak ni Ate Patricia," inis niyang katwiran.
"Oo na nga, mali na kung mali ang kapatid mo. Pero sobra naman yata ang sinabi mo sa kanya. Umiiyak tuloy na nagsumbong sa akin."
"She deserves to hear the truth, Mama."
"E, ikaw naman? Anong pinag-aawayan niyo mag-asawa?"
Umiwas ng tingin si Primitibo. "That's nothing-"
"Anong nothing? Narinig ko ang mga drama lines ng asawa mo. Nambabae ka?"
Natigilan sa pagnguya si Primitibo.
"Namambabae ka, ano? Sus, anak. Sabi na nga ba at makikita mo rin ang pagkukulang ng asawa mo."
"Ewan ko ba naman sa iyo. Ang daming babaeng puwede mong pagpilian, tulad pa ni Yna ang nakukha mo-"
"Mama-"
"O, bakit? Narinig ko kayo kagabi, may hinatid kang engineer na babae. Nagalit ka sa kanya dahil totoo."
"That's not true, hindi ako nambabae."
"Sinasabi mo lang 'yan, mga ilang araw. Maghihiwalay na kayo ng Yna na 'yan," nakangiting tinapik pa ni Hilda ang kamay ni Primitibo.
Mabilis na nagtuluan ang mga luha ni Yna habang nakasandal sa kung saan at naririnig ang usapan ng mag-ina.
Napatingin siya sa anak.
Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto at ibinaba si Cattleya. Napatitig siya kung saan.
"Tsk. Tsk. Yna, ano? Hindi mo pa rin ako papakinggan?"
Nandudumilat na napatingin sa paligid si Yna nang marinig ang boses na narinig niya kagabi.
"Masaya pa sila sa nangyayari sa iyo. Namababae ang asawa mo. Iiwan ka na niya-"
"Hindi!"
"Sino ka ba?!" Umiiyak niyang tanong.
"Ako? Ako ang tunay na kakampi mo sa bahay na 'to. Ako ang tutulong sa iyo kaya pakinggan mo lang ako."
"Hindi!" sigaw nang umiiyak na si Yna at tinakpan ang magkabilang tenga kasabay nang pagsalampak sa tabi ng kama.
"Makinig ka sa akin, Yna. Matutulungan kita!""
"Tama na, hindi kita kilala!"
"Huwag mo akong kausapin!" sigaw niya kasabay nang pagpalahaw ng iyak ng anak.
"Yna."
"Yna, magtiwala ka sa akin. Kakampi mo ko;"
"Tama na, wala akong naririnig," umiiyak niyang kausap sa sarili habang pawis na pawis at puno ng luha.
"Yna-" natigilan si Prim sa pagpasok nang maabutan siya sa sahig.
"Prim," iyak niya.
Nagtataka ang hitsura nito. "Prim, tulungan mo 'ko."
Lumapit ito sa kanya na agad niyang niyakap. Nagkatinginan naman sina Hilda at Jaime na nasa pinto.
"Inaaway mo ba ang anak natin?"
"Siya ba ang sinisigawan mo?" takang-tanong ni Prim nang humarap sa kanya.
"Hindi, may tao rito," sagot niya.
Natahimik ang lahat. Tiningan naman ni Hilda si Jaime. "Hala, naloka na," wika ng biyenan ni Yna.