KABANATA 8

1024 Words
"Walang tao rito sa loob, Yna." Napatingin siya kay Prim na bumalik sa kama matapos umikot sa loob ng madilim nilang kwarto. "Ikaw lang. Obviously, hindi pa makapagsasalita si Cattleya. Kaya anong narinig mo?" huminto ito sa tapat niya. Agad siyang tumayo at hinawakan ito sa kamay. "Wa-wala nga siguro. Kalimutan mo na 'yon," tugon na lang niya. Pinagkatitigan siya ng asawa. "Ba-bakit?" "Ayos ka lang ba? You looked stress." "Hi-hindi. Ayos lang ako-" "Kung tungkol pa rin 'to sa paghihinala mo-" "Hindi na, Prim," nakangiti niya na itong hinawakan sa magkabilang kamay. "Wala na sa akin 'yon. Alam ko naman hindi mo magawa sa akin ang bagay na 'yon. Pinagkakatiwalaan kita, alam ko hindi mo ako lolokohin," nagmamadali siyang yumakap dito. Naguguluhang napahinga naman si Prim at tiningan ang nakayakap na asawa. "Mahal mo kami ni Cattleya kaya hindi mo kami masasaktan," patuloy na paniniwala ni Yna. Naramdaman niya ang paghaplos sandali nimg asawa sa likod niya. "Sige na, I'll have to go." Humarap si Yna kay Prim. Tumango siya at humalik sa labi nito. "Ingat ka." "Hmm." Nagmamadali niyang inabot ang bag sa asawa at kumaway pa nang maliit nang lumabas ito ng kwarto. Isang hininga ang ginawa niya at malikot na napatingin sa paligid. "Yna." "Papa," naabutan niya ng biyenan na lalake sa kusina at niligpit ang pinagkainan ng mga ito matapos ang breakfast. "Narinig ko ang nangyari sa inyo ni Prim. Pagsasabihan ko siya, ha?" Agad na pumatak ang luha niya na agafd niyang pinunasan. Hinawakan pa siya sa balikat ng biyenan. "Pagsasabihan ko siya na mali ang ginagawa niya. Ikaw na ang asawa niya at hindi na siya dapat tumingin sa ibang babae pa." "Salamat po, Papa. Tiningan niya ang biyenan, at sobra ba siya kung hihilingin na sana ganito ang biyenan niyang babae? Na sana itinatama nito ang ang anak lalo pagdating sa pagsasama nila bilang mag-asawa. "Kumain ka na ba?" tanong nito nang tingnan siya. "Kumain ka muna bago mo ligpitin iyan." "Opo, Papa. Salamat po." "Engineer Prim." Nakakunotnoong nilinga ni Prim na papasok sa kompanya ang tumatakbong si Samantha. "Good morning," nakangiting bati nito at halos magkiskisan ang braso nila sa paglalakad sa sobrang lapit nito. "Wala ba akong good morning din diyan?" "Akala ko ba close na tayo pagkatapos nang kagabi," sabay silang pumasok sa elevator. Napaatras si Prim nang biglang humarap sa kanya ang dalaga at hawakan siya sa braso. "Ang akala no talaga, maiiuwi na rin kita sa apartment ko. Salamat sa paghatid hanggang sa kwarto ko, ha?" Kinagat pa ng dalaga ang ibabang bahagi ng labi na pulang-pula. Ang isang daliri nito ay pinalandas sa suot niyang polo. "Stop it," hinawakan niya ang daliri nito nang mahigpit. "Why? Nginitian lang siya ng babae na may nakaakit na tingin. Tumingkayad ito at pinagkatitigan siya sa mata. "Naakit ka?" Matigas na nalunok ni Prim ang laway. "Gusto mo akong tumigil dahil naakit ka na? Bakit imbes na pigilan mo? Bakit hindi mo ako subukan?" "I said stop it, may asawa ako-" "E, ano? Hindi naman niya malalaman." "Engineer Samantha-" Nagulat siya nang itulak siya ng dalaga. Napadikit siya sa sulok ng elevator. "I'm willing to be your mistress." Nahigit ni Prim ang hininga habang nakatitig sa determinadong babae at kung anong sabik ang nararamdaman niya habang pinagmamasdan ito. "That's how much I like you, Engineer Prim. Matagal na kitang gusto, kaya handa ako maging kabit mo." "Sabihin mo lang na gusto mo," napalingon si Samantha nang tumunog ang pinto. Agad silang lumayo sa isa't-isa nang bumukas iyon. Dire-diresto silang naglakad. Pareho nilang inokupahan ang magkatabing silya. Sandaling niluwagan ni Prim ang kurbata dahil pakiramdam niya ay nahirapan siyang huminga. Hanggang sa dumekwatro ang katabi niyang inhinyera. Sa ikli ng suot nitong palda ay nakita ang mapuputi nitong hita. Kinakabahan siyang umiwas ng tingin na ikinangiti ni Samantha. Nang umiwas siya ng tingin ay mula sa ilalim, kinuha nito ang kanang kamay niya at hinawak sa hita. Nanlalaki ang butas ng ilong ni Prim nang lingunin ang dalaga. Ipinatong nito ang siko sa mesa at nakangiting bumaling sa kanya habang pinadausdos ang palad niya sa makinis na hita nito. "You can touch me, anytime you want it," saad pa nito. Pumikit siya at pilit na inalis ang kamay pagkatapos ay tumayo. Naiwang nakangiti si Samantha habang sinusundan ng tingin ang gwapong inhinyero. "Makukuha rin kita," pangako nito sa sarili. Pumasok sa rest room si Prim, hingal na hingal siyang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. At nang maalala ang kuryenteng dumaloy sa kanya matapos mahawakan ang hita ng dalaga ay mabilis siyang naghilamos ng mukha. "Hindi 'to puwede. Hindi 'to tama." Nang makalabas ng restroom at makabalik sa lamesa ay wala na roon si Samantha na ikinahinga niya nang maluwag. Hinila niya ang silya at umupo. "Engineer Prim," narinig niya ang maarteng boses ng inhinyera. "Coffee for you," ipinatong nito ang kape sa mesa niya. At nang tumuwad ito ay agad niyang iniwas ang mukha. "Oh!" nawalan ito nang balanse at napaupo sa kandungan niya. "Sorry, natisod ako, e." Nakangiti itong bumaling sa kanya at mas umupo pa sa kandungan niya. Nagkatitigan sila ng dalaga habang ang bilis-bilis nang tahip ng dibdib niya. "Bakit hindi niya sinasagot?" Ibinaba ni Yna ang cellphone matapos hindi matawagan ang asawa. "Yna." "Ma?" Agad siyang tumayo. "Magluto ka nga ng chicken curry." Umupo ito sa sala at nagbukas ng telebisyon. Kaswal soya nitong tiningala dahil hindi siya nakilos. "Bilis!" "O-opo. Paborito po 'to ni Prim, hindi ho ba? Dadalhan ko siya sa opisina niya." "Bahala ka sa buhay mo. Basta magluto ka." "O-opo," sabik siyang nagtungo sa kusina. Isang mensahe pa ang iniwan niya sa cellphone ng asawa. "Magdadala ako ng lunch diyan. Ang paborito mong chicken curry. Hintayin mo ako sa, ha? I love you." "Sabay na tayong mag-lunch, Engineer Prim." Hila-hila ni Samantha si Prim nang tumanghali. "Sandali lang," kinuha nito ang suit na nasa silya. At nang makita ni Samantha ang cellphone ng inhinyero ay kinuha iyon patago ng dalaga. Nang humarap si Prim ay agad itong ngumiti.."Let's go?" Nang umabrisyete sa kanya ang inhiyera ay napangiti na lang siya at nakalimutan na may asawa na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD