KABANATA 9

980 Words
"Aray!" napaso ang labi ni Yna nang tikman ang niluluto. Natataranta pa niyang sinulyapan ang orasan na nasa kusina. "Kailangan ko nang dalhin ito kay Prim," kausap niya sa sarili habang nagmamadaling kinuha ang food container. "Yna!" "Ma?" tanong niya sa biyenan na sumigaw. "Bingi ka ba? Hindi mo ba naririnig ang anak mong umiiyak?" Atubili niyang sinulyapan ang niluluto. "Yna!" sigaw muli ng ina ni Prim. "Nandyan na ho!" sagot niya at patakbong lumabas. Sinulyapan niya ang biyenan na komportableng nakahiga sa sofa at may hawak pang remote control bago ang anak na umiiyak at nakatayo sa crib. "Kunin mo na 'yang anak mo. Hindi ko marinig itong pinanood ko," utos nito. "O-oho." Bumaling si Yna sa anak na nakataas na agad ang kamay. "Bakit umiiyak ang anak ko?" tanong niya rito pagkatapos ay binuhat at inalo-alo. Hinatak ni Cattleya ang blouse na suot niya. "You want milk?" tanong niya. Pahiga niya itong kinarga, itinaas ang blouse at nagpa-breast feed. Sa pagharap ay natanaw niya ang nilulutong umuusok. "Naku! Iyong niluluto ko!" Nagmamadaling tumakbo si Yna habang napailing na lang si Hilda. "Aray!" napaso pa siya nang iaalis ang takip ng niluluto. Sinulyapan niya ang anak na nanatiling nagbe-breastfeed sa kanya. Pinatay na niya ang kalan at isang kamay lang ang gamit nang isalin ang umuusok na iyon sa food container. Ipinatong na lang niya ang paa sa isang silya para hindi mahulog ang karga niyang si Cattleya. Halos matapon ang mainit na ulam sa mesa. "Yna, hindi pa ba luto 'yan??!" "Luto na ho, Mama." "Ipaghain mo ako." Sandali niyang sinulyapan ito. "Ma, ipinaglalagay ko ho si Prim ng ulam-" nagtama ang mata nila kahit malayo nang lumingon ito. "Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ako susundin?" Kumurap ang mga mata niya. Nang makitang tulog na si Cattleya ay muli niya itong ibinalik sa crib at tinignan ang biyenan. "Ma, hahabol ko lang sana ho 'yong niluto ko sa lunch break ni Prim?" Seryosong tumingala ang nakahigang si Hilda kay Yna. "Pinagdadamutan mo ba ako ng niluto mo?" "Ma, hindi naman. Marami naman ho ang niluto ko-" "Kaya nga bigyan mo ako. Dalhin mo rito na may kasamang kanin," dilat na dilat ang mga matang utos nito. "Pero kailangan ko ho kasing magmadali-" agad napapikit nang ibato nito ang remote control na hawak. "Ang dami mo namang satsat, Yna! Sabihin mo kung ayaw mo akong bigyan! Letse ka, akala mo naman ang sarap-sarap mong magluto." Nahawakan ni Yna ang mahapding noo pagkatapos ay ang biyenan na kaswal na bumaling sa telebisyon. Nilunok niya ang laway para pigilan ang namumuong emosyon sa lalamunan. Takot ang hakbang ang ginawa niya nang maglakad at muling bumalik sa kusina. Pumatak ang luha niya sa kanin na inilagay niya sa container. Agad niyang pinunasan ang iba pang luha. Dahan-dahan niyang ipinatong sa mesa ang plato ng kanin at tasa ng ulam sa sala para sa biyenan. Nakita niyang sumulyap ito roon. "Heto na ho, Mama-" "Ikuha mo ako ng juice, 'yong pineapple at na high blood ako sa iyo," putol nito at bumangon mula sa pagkakahiga. Tumalima naman siya. Nanag maipatong ni Yna ang baso ay inayos niya ang pagkakasakbit ng bag at pinanood si Hilda na maganang nakain. "M-ma, kayo na muna pong bahala sa anak ko- "S'ya, s'ya!" tila naiinis na putol nito at kinampay pa ang ang kamay na parang pinaalis na siya. "Bilisan mo lang at baka umiyak 'tong bata. Hindi ko 'to bubuhatin." "Salamat ho, Mama. Sandali lang ho ako." Nagmamadali siyang lumabas ng condominium building. "Taxi!" tirik na tirik ang araw sa katanghaliang tapat. Awtomatiko siyang sumakay nang may humintong taxi. "Sa Broadster Engineering Firm building ho tayo," aniya Yna sa drayber. "Sige po, Ma'am." Nakangiting sinandal niya ang likod at sinulyapan ang hawak na cellphone para tingnan ang oras. "Maakabot pa ako sa lunch nila," kausap niya sa sarili at may ngiti pa rin Nan tumanaw sa nakabukas na bintana. "Say a," Napatingin sa paligid si Prim nang itapat sa bibig niya ni Samantha ang kutsara. Naroon sila sa abalang cafeteria building. "Ano ka ba?" Impit niyang bawal dito. "Sige na," umabrisyete pa ang inhiyera habang nakanguso na tila nagtatampo. "Isa lang, Engineer." Muling itinapat nito ang kutsara sa bibig niya. Sandali pa siyang tumingin sa paligid at dahil abala ang mga ito sa kanya-kanyang pagkain ay dahan-dahang tinanggap iyon ng bibig niya. "Aww, ang lakas ko talaga sa iyo," dumantay pa sa braso niya ang kinikilig na dalaga. Mula sa ilalim ng mesa ay naipatong niya ang palad sa ibaba ng hita nito. Seryoso siyang luminga rito. Nagsalubong ang mga mata nila at nanatiling nakangiti si Samantha. Akma niya iyong aalisin nang pigilan nito. "Sabi ko na sa iyo, puwede mo akong hawakan kahit saan, kahit kailan mo gusto," napapikit siya nang bumulong ito. "Hi-hindi ko sinasadya," babawiin niya ang palad na kaunti na lang ay talagang kakapit na ng kusa rito. "Sinadya mo man o hindi, ayos lang." Muli siyang nagmulat at ngumiti sa kanya si Samantha. Naging mariin ang kapit niya sa hita nito. "Good afternoon, Ma'am," bati ng gwardiya nang makapasok si Yna. "Ibibigay ko lang ho ito kay Engineer Prim," nakangiti niyang itinaas ang hawak. At dahil may kataasan ang posisyon nito ay hindi siya nahirapan makapasok. Nakasalubong niya ang ilang engineer sa hallway. "Nandyan ba si Engineer Prim?" sinulyapan niya ang opisina nito habang kaharap ang isang babae at lalakeng empleyado ng building. "Nasa cafeteria na ho ang lahat," sagot ng lalake. "Ganoon ba? Salamat," Napunit ang ngiti niya nang makita ang babaeng hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang makalampas ito ay nagtungo siya sa cafeteria. Naririnig niya ang ingay ng kubyertos. Hindi pa man siya nakakalapit ay natigilan siya at kumurap ang mga mata. Naglalakad ang asawa niya habang may kaabrisyete na babae. Nabitawan niya ang dala-dala. Dahan-dahan namang napatingin si Prim sa nakatayong asawa. "Y-yna?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD