*CHAPTER 31* ABBY "Oh my God! Hindi ko talaga akalain na makaka-usap kita nang ganito. As in face to face. Oh my God talaga! Pa-hug nga uli!” niyakap ko siya nang mahigpit. Ang bango-bango naman niya! Amoy bagong ligo! Kung nandito lang si Allison, siguro nagpasampal na ‘ko, para proof na hindi ako nananaginip! Humiwalay din naman ako kagad ng yakap kasi nakakahiya naman sa kanya. Oo, nahihiya rin naman ako, konti, pero syempre tuloy pa rin ang chikka ko. "At dahil nga na-meet na kita, lulubos-lubosin ko na ha?" Kinuha ko ‘yung ballpen at notebook sa bag ko na inihanda ko kanina bago kami umalis ni Allison. Isinulat ko doon sa notebook lahat ng mga tanong na gusto kong itanong kay Ian, kasi baka makalimutan ko. Alam niyo na sa sobrang kilig baka ma-mental block ako. ‘Yung mga tanong na il

