*CHAPTER 30* Hindi kami agad makaalis dahil sa dami ng tao. "Excuse me po," sabi ni Abby habang pilit na umiiwas sa mga taong nadadaanan namin. Ilang minutong pakikipagsiksikan din ‘yon at sa wakas nakaalis na rin kami. Papunta na sana kami sa may backstage nang may pagkalaki-laking mamang humarang sa ‘min. Member pala ng security, kaya ipinakita namin ni Abby ‘yung backstage passes namin. Pinadaan naman kami, kaso ang problema naman hindi namin alam saan hahanapin sina Cedrick. "Bestfriend, okay lang ba ‘yung itsura ko? Hindi ba ‘ko oily? Tingnan mo nga." Si Abby hindi mapakali sa itsura niya habang naglalakad kami. “Syempre kahit galit ako d’yan sa Cedrick mo dapat magpaganda pa rin ako para kay Ian ko.” "Ok na ‘yan Abby.” Hindi ko maibigay ‘yung atensyon ko sa kanya dahil nasa iba ‘

