*CHAPTER 16* Nakakailang hakbang pa lang ako nang pigilan na naman niya ‘ko, pero this time niyakap na niya ‘ko. Niyakap niya ‘ko mula sa likuran ko at nagsalita siya, "I'm sorry Alli… Please be my girlfriend." "Bitawan mo nga ako Cedrick." Hinawakan ko ‘yung kamay niya para matanggal ‘yung pagkakayakap niya sa ‘kin, pero ayaw niya ‘kong bitawan. "Sabi nang bitawan mo ko e!" sigaw ko sa kanya. Sapilitan kong tinanggal ‘yung pagkakayakap niya sa ‘kin. Galit ako. Galit na galit ako sa kanya. Kasabay ng pag-ikot ko paharap sa kanya ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagpatak mula sa mga mata ko. "Tama na Cedrick! Ayoko na ng mga gan’tong biro. Hindi mo ba nakikita na nasaktan ako sa ginawa at mga sinabi mo?!" "Pero Alli…" "Stop it Cedrick! Ayoko nang makarinig pa ng isang salita galing sa

