*CHAPTER 15* Dahan-dahan akong lumingon. "Boo!" Nagulat ako kaya napaurong ako at na out of balance. Ang bilis ng pangyayari. Hinintay ko na lang ‘yung masakit na pagbagsak ko sa lupa pero yakap ang naramdaman ko. "Alli, sorry." Alam ko agad na si Cedrick ‘yung nagsalita. Nawala ‘yung takot ko kanina. Ang sarap sa pakiramdam nang pagkakayakap niya sa ‘kin. Pakiramdam ko safe ako, na walang pwedeng makapanakit sa ‘kin. Kaso naalala ko, siya nga pala ang dahilan kung bakit ako natakot at muntikan nang matumba kanina. Bwisit na Cedrick ‘to! "Huwag mo nga akong yakapin! Kainis ka!" sabi ko sabay tulak sa kanya. "Sorry… pero kung hindi dahil sa yakap ko, baka tuluyan kang bumagsak kanina. Masakit ‘yon." "At kung hindi ka naman nagtago d’yan para takutin ako, hindi naman mangyayari ‘yon ‘

