*CHAPTER 14* "Hindi. At kung lumabas man sa TV ang Dad ko, makikita mo kaya? Hindi ka naman mahilig manood ng TV ‘di ba?" Well, may point siya. Hinatak na niya ‘yung kutson palapit sa lamesa. “Maupo ka muna.” Napatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nakababa na pala ‘yung hood ng jacket na at kitang-kita ko na ‘yung bagong kulay ng buhok niya. “Gwapo ba?” nakangising tanong niya. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya. Hindi ko maikakaila na bumagay sa kanya ‘yung grey na buhok at oo, ang gwapo niya. “H-ha? Ano’ng sinasabi mo d’yan? Nanibago lang ako sa ayos mo.” “Hindi eh. Iba ‘yung titig mo sa ‘kin. Gwapo ‘no? Gwapo?” Taas-baba pa ‘yung kilay niya at may pakagat labi pa, sabay hawi ng buhok niya. “Tss, asa ka.” Tinalikuran ko na siya bago pa niya makita ‘

