*CHAPTER 37* Kinabukasan walang dumating na Cedrick, kahit na sinabi niya na babalik siya. Ano pa nga bang aasahan sa kanya. Sinungaling at manloloko siya ‘di ba? Pero ano naman ngayon kung hindi nga siya bumalik? Mas mabuti nga ‘yun walang mangungulit sa ‘kin. Mas mabuti dahil hindi ako masasaktan. Dahil sa tuwing nand‘yan siya puro ‘yung masakit na ala-ala lang naman ang pinapaalala niya sa ‘kin. Akala ko hindi na talaga siya babalik, kaya hindi ko inaasahan ‘yung pagpunta niya nang sumunod na araw. "Hi Coffee ko!" masayang bati niya sa ‘kin. Hindi man lang kumatok, basta na lang siya pumasok sa kwarto ko, nagulat tuloy ako! Alam ko kung nasaang banda siya ng kwarto ko kahit hindi ko siya nakikita. Kahit hindi ko siya nakikita tinalikuran ko pa rin siya. "Coffee, sorry kung hindi ak

