*CHAPTER 34* ABBY Nang nasa byahe kami papunta sa bahay nina Allison, hindi ako mapakali at gustong-gusto kong tanungin si Cedrick sa totoong dahilan kung bakit niya sinaktan si Allison. "Cedrick, pwede bang magtanong?" "Ano ‘yon?" "Ano’ng reason? Bakit mo sinaktan si Allison? Bakit ang sabi niya, niloko mo lang siya." "Kailangan ko siyang protektahan." "Saan? Kanino? Bakit?" Ang dami kong tanong dahil hindi ko pa rin maintindihan. "Abby, huwag mo sanang masamain, pero pwede bang huwag muna nating pag-usapan. Hindi pa ‘ko handa." "Ok, sorry." After noon quiet na ‘ko. Siguro nga masyado talagang kumplikado, tulad ng sabi ni Ian. Habang nagmamaneho si Cedrick, halatang kinakabahan siya, lalo na nang maiparada namin ‘yung kotse niya sa tapat ng bahay nina Allison. Kulang na lang manig

