KABANATA 57

1950 Words

Maingat na inilagay ni Franco ang lahat ng gamit nila sa likod ng sasakyan. Uuwi na sila ngayon at sa Hacienda muna sila tutuloy. Gusto daw ni Kamille na puntahan muna ang Hacienda at hindi nya naman ito masisisi dahil giliw na giliw ito sa lugar na iyon. "Mahal ayos na ba yan?" tanong ni Kamille sa kanya. Nasa loob na ito ng sasakyan at nasa tabi ito ng driver's seat. Kalong nito ang anak nila na si Mathew. Ang Mama nya ay abot ang halik kay Mathew kanina bago sumakay sa sasakyan ang anak nya. Ayaw pa nga nito na umuwi sila kaagad  dahil malungkot daw ang bahay kapag wala sila. Si Mathew daw kasi ang nagpapasigla ng paligid dahil likas ang kakulitan ng anak nila ni Kamille. Sa mga susunod na araw ay babalik pa naman sila dito, sa ngayon ay kailangan lang talaga nila na umuwi pero dadaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD