Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco. Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya ang lalaki. Lumilinga-linga ito sa paligid at tila balisa ito. "Franco..." nakangiting sambit nya sa pangalan nito. Tumingin ito sa kanya at seryoso ang mukha nito. Wala man lang bakas ng ngiti doon. "Nagpunta lang ako dito para ibigay 'tong pera," anito sa kanya at iniabot sa kamay nya ang isang sobre. Sinilip nya ang laman niyon, puro sanglibong buo. "Magkano 'to?" ta

