Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito. "Ito mahal magmumukhang binata dito si Mathew," nakangiting sambit nya habang sinusuri ang polo-shirt na pambata. Kulay maroon iyon at maganda ang tela. "Bagay yan sa anak natin dahil maputi sya," sabi naman ni Franco. Madali nya agad na kinuha ang damit. Marami na din syang napili buhat pa kanina kaya nagtungo na sya sa cash

