Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya. Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin. Agad na hinanap ng mga mata nya si Franco pero hindi nya ito nakita sa kubo. Siguro ay nasa loob ito ng mansyon. "Bata laro tayo," Napataas ang isang kilay nya nang may lumapit na batang lalaki kay Amirah. Ito ang anak ni Franco at Kamille. "Sige gusto kong maglaro!" nakangiting sagot naman ng anak nya. May ha

