Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila. Iniwan muna nila ang Hacienda pero babalik pa din naman sila doon dahil gusto nyang doon manirahan. Pinaplano na nya na ibenta na lang ang resto, siguro ay magfofocus na lang ulit sya s

