CRIME CASE SOLVING PART 2

1889 Words
"Wala tayong magagawa zairel. Hindi na sinasagit ni detective ang telepono nya." Laglag ang balikat nilang dalawa na lumapit sa akin. "Ayos lang yan. Mahuhuli parin natin ang gumawa nito." Taas noo kong sabi. "Maari nyo bang tawagin ang mga katulong neil? Tatanungin ko kang sila" sabi ko kay neil na tinanguan nya naman agad. At dali daling tinawag ang mga katulong. "Noong narinig ninyo ang sigawan ng dalawa meron ba kayong narinig na kahina hinala na pwedeng idugtong sa kaso na ito?" Tanong ko sa kanila. "Sa totoo lang po hindi namin masyadong narinig ang lahat. Pero may isang binitawang salita si sir Ronel Na talagang pinag taka namin." Sabi ng isa sa mga katulong na babae dito sa mansyon.tumango ako sa kanya sign na ipag patuloy nya ang sasabihin nya. "Sabi nya, pasensya na pero wala na akong magagawa. Kung hindi ko ito gagawin wala akong magagawa para sa kapatid ko. Gagawin ko ito para maipaghihiganti si Romel!. Yan ang narinig namin maam." Sagot nito na parang inaalala pa ang ibang mga narinig. "Okay na po ate. Sapat na yun na evidence para sa krimen na ito" sabi ko at nag pasalamat na sila at umalis. "Chief doon po tayo sa dining room kasama ang kasintahan ng biktima." Sabi ko at nagpatiuna na papamunta sa dining room. "Zairel. Bakit parang kamuka nya yung detective?" Bulong sakin ni neil. "Basta" sagot ko nalang bago umupo sa harapan ng sinasabi nilang ronel guzman. "So bago tayo mag simula. Mag papakilala muna ako sayo Mr. Guzman. Ang pangalan ko nga pala ay Veronica Arrison. Ikinagagalak kong makilala ka" pakilala ko na may ngiting mapang asar sa aking mga labi. "Nice to meet you too Ms. Arrison." Sabi nya sabay ngiting napaka tamis. "So anong nangyari sa aking pinaka mamahal kong nobya?" Tanong nya na parang maiiyak pa. Haha di mo ako madadala sa ganyan "Batay sa pag tingin ng isang kahinahinalang detective. Ito ay isang kaso ng suicide. Pero dahil sa dami ng ebidensya na nakapaligid dito. Napaka imposible naman na maging suicide ang nangyari diba?" Sabi ko "Naiintindihan ko po" sagot ng ronel na ito. "Pakiabot naman ng mga evidence na nakuha dito kuyang pulis." Utos ko sa pulis na malapit sa akin. "Itong knife na nakuha ko sa kusina. Nakakapag taka naman na sa loob ng isang cabinet ito itinago at imbes na itapon. So base dito sa knife na ito. Sapat na evidence na ito para sabihin natin na hindi nag suicide ang biktima. At ganun din ang mga dugo na tumulo papunta sa kusina. Batay sa nakita ko. Naghugas ng kamay ang suspect bago ito umalis. At isa pa, sa laki ng bahay ni Ms.Aguilar. Imposibleng walang cctv dito diba?" Sabi ko na nag palaki ng mata ni ronel. "Bago tignan ng mga pulis ang mga video galing sa cctv sinabi na ng isang kahinahinalang detective na hindi na kailangan dahil walang dudang suicide ang nangyari. Pasensya na chief pero dahil sa may mga tanga sa mga pulis ninyo. Hindi na nila tinignan ang mga video. At naniwala sa detective. Pangalawang evidence. Yung sugat ng biktima. Unahin natin yung mga laslas nya sa wrist nya. Diba mukang minadali lang ang mga ito. At para din na ipalabas na nag pakamatay nga talaga ang biktima. Pangalawa. Yung sugat kung nasaan ang bakat ng tali na ginamit ng suspect para ibigti ang biktima. Makikita doon na may nakadikit doon na parang tape na pinatungan ng clay na kakulay ng balat ni Ms.Aguilar para maitago ang laslas nito sa leeg na dahilan ng pagkamatay nito.Pero ang hindi nya alam dahil sa bigat ng biktima at sa higpit ng tali, may natanggal na tape doon at dinadaluyan ng dugo." Mahabang paliwag ko. Nakikinig lang naman ang karamihan pero si ronel halatang kinakabahan na at pinag papawisan pa. "At kung suicide nga talaga ang nagyari. Bakit may mga bakas ng dugo pababa ng hagdan na parang hinila ang biktima. Wag nyong sabihin na hindi nyo nakita ang mga iyon? At paano mapupunta ang biktima sa sala kung sa kwarto nya palang patay na sya?" Sabi ko sabay ngisi. "Ano? Oo nga ano! Panong hindi natin napansin iyon." Sabi ng isang pulis. "At yung gasgas sa hangdan. Gasgas yun ng sapatos. Patunay lang na natapilok doon ang suspect. At totoo nga dahil nakita ko yun sa cctv. Nasabi sakin ni neil na may benda sa kaliwang paa ang detective na tumingin dito kanina at may tattoo na ibon at salitang amore sa kanang braso nito.Pero ang galing nga naman diba. Sa kaliwang paa ang pilay mo Mr.Ronel. At tugmang tugma ang Tattoo mo sa tattoo ng detective." Pang aasar ko pa dahil mukang napipikon na sya. "Ang ibig mo bang sabihin zairel. Na si Mr. Ronel at Ang detective ay iisa lang?" Gulat na tanong ni Mr.Ramos "Tama ka Sir. At walang duda yun." Ngisi ko pa at tumingin sa lalaking nasa harap ko ngayon. "Imposible yan Ms.Veronica. Aaminin ko nag away kami noong gabing iyon ni Kaycee dahil nahuli ko syang may ibang lalake!. Mahal na mahal ko sya kaya paano ko sya mapapatay!" Sigaw nito at halatang guilty sya. "Oo nga ronel. May motibo ka para gawin yun. Sa sinabi ng mga katulong dito. Narinig nila ang mga katagang ito sa sayo.Kung hindi ko ito gagawin wala akong magagawa para sa kapatid ko. Gagawin ko ito para maipaghihiganti si Romel.Si romel ang nakababata mong kapatid. Diba ronel? At dahil sa kagustuhan mong maipag higanti ang kapatid mo. Ginawa mo ang mga ito. At hindi mo sya jinowa dahil lang mahal mo sya kundi para patayin sya. Dahil aksidente nyang nabaril ang kapatid mo noong nag eensayo syang humawak ng baril. At ang akala mo sinadya nya yon dahil dalawang taong nagtago ang biktima." Paliwanag ko pa at mas lalong nag mukang guilty si ronel. "Wala kang ebidensya! Madali lang namang paniwalaan na coincidence lang naman ang tatto at pilay ko!" Depensa pa nya sa sarili nya. "Hindi. Hindi yun ganun. Diba ginamit mo ang pangalan ng kapatid mo at nag lagay ka ng iilang make up sa mukha mo dahil medyo hawig naman kayo ng kapatid mo." Sabi ko pa. At inilabas ang natitirang ebidensya na sa bulsa ko lang inilagay. "Dito sa huling evidence na hawak ko. Mapaptunayan na ikaw nga ang pumatay sa biktima ronel. Nakuha ko to sa kwarto ng biktima."sabi ko sabay labas ng cellphone ng bikta na nasa ziplock plastic bag. "Paano mo nakuha yan? Naitapon ko na yan ah!" Sigaw nya pero nagulat pa sya sa sinabi nya. HULI KA! "Ang ibig kong sabihin. Saan mo yan nakuha hinahanap ko din yan!" Dugtong nya. "Dahil sa sinabi mo huli ka na ronel. Ang cellphone na ito ang pinaka matibay na ebidensya dito sa krimen na ito. Dahil dito sa cellphone na ito nakapaloob lahat ng ebidensya. Nandito ang number mo at ang number ni detective De mesa." Sabi ko habang nakatingin ng nakakaloko sa ronel na ito. "Natural nandyan ang number ko dahil boyfriend nya ako at ang number ng romel de mesa na yon dahil sya ang lalake ng girlfriend ko!" Sigaw nya sakin. "Hindi. Hahahaha kaya nandito ang pangalan ng kapatid mo. Dahil may pangalawa kang simcard. Yang cellphone na gamit mo pwede ang dual sim hindi katulad ng ibang cellphone. At dahil pwede ang dual sim dyaan matagal mo nang plinano ang lahat. Mula umpisa hanggang dito.Ginawa mo yun para palabasing may ibang lalake ang girlfriend mo. Para may alibi ka." Sabi ko habang hawak parin ang plastic bag na hawak ko. "Hindi nga totoo ya-" "Ronel DE MESA Guzman. At Romel DE MESA Guzman. So rhyme. Umamin ka na. Wala ka nang takas. Umamin ka na nag dedeny ka pa." Maangas kong sabi dahil nawawalan na ako ng pasensya. "Oo na. Aaminin ko na. Ako nga ang pumatay. Pero nagawa ko lang naman yun dahil sa sobrang galit ko sa babaeng yun! Pero di ko naman matatago na mahal ko parin si kaycee. Pero everytime na maiisip ko ang kaptid ko. Bumabalik ang galit ko. Kaya ko naman na yung kalimutan eh. Pero napagtanto ko na kayang kaya nya akong lokohin. Dahil sa gusto kong malaman na kaya nya ba akong lokohin o hindi. Pero sa likod ng maamong mukha ni kaycee isang napaka gandang impakta ang nagtatago. Nawalan ako ng kapatid kaibigan at tagahanga.isa pa yung aksidenteng nangyari noon pinalabas lang nila yun pero ang totoo sinadya yun dahil lang sa putang inang Aso na nasagasaan ng kapatid ko ng hindi sinasadya." Mahabang kwento nya na nag pagulat sa laha maliban sa akin. "Gaya ng sabi mo isang tagahanga mo ang kapatid mo. Pero sa tingin mo ba hanggang ngayon hahangaan ka parin ng kapatid mo dahil sa ginawa mo? Kahit sabihin mong ginawa mo iyon para sa kanya. Wala ka paring pinag kaiba sa girlfriend mong pumatay." Sabi ko pa sabay tayo. "Sige na dalhin nyo na ang lalaking yan." Utos ko sa mga pulis. Lumabas na kaming tatlo nila neil kasama si Mr.Ramos. "Ang galing mo naman zai! Di ko agad naisip yun!" Tumatawang sabi ni neil. Ako naman napakamot lang ng batok dahil di ako sanay na pinupuri dahilsa case na nalutas ko. "Oo nga Zairel. Isa ka ngang Arrison. Ang laking tulong mo sa kasi na ito. Sigurado akong sobrang magiging proud ang ama at lolo mo kapag nalaman nila ito." Sabi pa nito at nakipag kamay sa akin. "Oh sya aalis na ako ah! Pupunta pa ako sa station para ayusin ang lahat dito. Sige ah magingat kayong dalawa." Paalam samin ng matanda bago sumakay sa sasakyan nya. "Zai sabay na ako sayo. Nag commute lang ako kanina ehh nasa pagawaan pa kasi yung kotse ko." Sabi nito at nauna pang sumakay sa likod ng kotse ko. Unggoy na to! Gawin daw ba akong driver! "Hoy gago kay james neil lefort! Lumipat ka nga dito sa tabi ko sasakalin kita eh!" Sigaw ko sakanya. Parang tanga ah! "Ito naman! Damot mo!" Lumukot naman ang muka nito. Hahahahaha mas lalo syang naging unggoy. "Sya nga pala neil. Diba sabi mo nag commute ka lang? Buti di ka pinag kaguluhan ng mga tao hahahaha. Knowing you sikat ka din kasi pogi ka tas isa ka pang Arrison. " sabi ko sakanya na ikinangiti nya. "Talaga my dear cousin? Pogi ako?"tanong nito kaya napataas kilay ko kasi muka syang aso. "Gago wag kang ngumito muka kang aso. Muka ka lang namang bumbay kaya akala nila pogi ka!"Inis ko sakanya kaya nakatanggap ako ng batok. Pano naman kasi. Kung sa ibang tao pogi itong unggoy nato. Sakin sawa na ako sa muka nya. Dahil mula bata pa kami hanggang ngayon. Lagi kaming magkasama lalo na kapag nasa crime scene kami kasama si papa or si lolo. Kami yung nakakalutas. Pero bata palang kami like sanggol. Sikat na kami dahil nga daw muka kaming mga dyosa. Ewan ko nalang dito sa isang toh. Muka kasing naingkanto eh hahahaha joke lang pero pogi din naman itong si neil. Mabait pa.kaya sobrang close kami nito dahil nag kakasundo kami lalo na pag dating sa mga crime cases. Jame Neil Lefort. My Oh so Handsome Cousin. ___________________________________________________ Hello my dear readers!!!! Sensya na kayo ahh sana maintindihan nyo na di madaling gumawa ng story at mag isip ng mga chapters. Lalo na ngayon at may online class na.Nahihirapan kaya ako sa mga lesson namin. Kaya sensya na talaga. About naman sa update na toh.....nakakain na ng detective conan yung sistema ko kaya ko naisip to. Para maiba naman! Hindi yung puro nalang love! Nakakaumay din kaya lalo na pag walang jowa diba? Hahaha damay damay na to ENJOY READING BABES LAV YAH!!!!!❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD