ZAIREL's POV
Wesson
Sabi ko na. Sya nga yun!
Hindi na ako nag tagal sa bahay ni freya. Nawalan ako ng mood mag gala ngayon. Siguro bukas ko nalang sasabihin kala Zane ang mga nalaman ko. Mag iikot muna ako. Para makapag isip isip.
Nag paalam na ako kay kuya hiro. Isang tango lang ang tinugon nya sa akin sabay ngiti. Buti pa si kuya parang walang problema. Hayssssss
Habang nag mamaneho ako may nadaan akong mga nagkakagulong mga tao. Nakita ko naman ang isang lalaking na nagpagulat sa akin.
Hmmm... ano kaya ang pinag kakaguluhan nila sa bahay na yun?
Itinigil ko ang sasakyan ko sa gilid kung saan wala masyadong tao. Pagkababa ko walang sabing pumasok ako sa loob na ikinagulat ko.
Crime scene
Nilapitan ko ang lalaking nakatayo sa gilid ng taong nakabulagta ngayon.
"Neil" sabi ko sabay hawak sa balikat nya. Medyo natawa ako sa reaksyon nya dahil medyo napatalon pa sya at napasigaw na dahilan ng pagtingin ng iba pang nasa loob.
"f**k you arrison!" Mahina lang pero may diin na sabi sakin ni neil.
"Sorry na. What happened here?" Seryosong tanong ko kay neil habang nakatingin parin sa nakabulagta na babae sa sahig ng sala.
"Nag suicide sya. Sa sobrang kadepressan. Pero ang daming dugo na nagkalat sa ibang parte ng bahay nya. Lalo na sa loob ng kwarto." Paliwanag ni neil.
Napaisip naman ako. Bakit maraming dugo sa ibang part ng bahay kung nag suicide lang naman ang babeng ito?
"Hindi sya nag suicide neil." Seryoso kong sabi habang nakatingin parin sa sa babaeng nakahiga.
"Pano mo naman nasabi yan. Kahit na yung detective na tumingin dito. Suicide din ang nakikuta nyang cause of death ng babaeng ito." Kunot noo naman si neil at nag tataka itong tumingin sa akin.
"Gaya nya ng sabi mo. Kung suicide nga ang cause of death nito. Bakit nagkalat ang dugo sa ibang part ng bahay nya. Lalong lalo na sa kwarto nya? Hindi ba nakakapag taka yun kung ganoon?" Paliwanag ko naman kay neil
"Meron ka bang gloves dyaan?" Tanong ko kay neil.
"Ito oh." Sabay abot sakin ni neil ng gloves.
Pag kasoot ko ng gloves ko ng umupo ako para makita ko nag malapitan ang bangkay.
"Neil tignan mo toh dali!" Sabi ko sabay hila sa laylayan ng damit ni neil
"Bakit zai? May nakita ka bang kakaiba?" Tanong sakin ni neil pagkaupo nya sa tabi ko.
"Tignan mo to. Kung talagang suicide ang nangyari... bakit may tumutulong dugo sa gilid ng leeg nya? Hindi ba dapat bakat lang ng tali ang nasa leeg nya? Dahil pag bibigti ang dahilan ng pagkamatay nya." Paliwanag ko sabay hawi sa gilid mg leeg nya para makita ni neil ang ibing king sabihin.
"Mawalang galang na po miss. Pero bawal ang hindi kabilang sa mga nag iimbistiga o pulis dito sa loob. Maliban nalang kung isa ka sa mga kakilala ng biktima." Biglang may nagsalita sa likod namin ni neil. Kaya agad na napatayo si neil habang ako hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil may napansin ako sa wrist ng biktima.
"Ahh chief. Ito nga pala ang pinsan kong si zairel. Huy Zai tumayo ka muna dyaan." Gaya ng sabi ni neil tumayo ako para mag bigay galang.
"Magandang araw sayo miss Zairel. Pasensya ka na at hindi ko alam na mag kakilala kayo nitong si Lefort. Ako nga pala si Edwardo Ramos." Inilahad ni Mr.Ramos ang kamay nya para makipag kamay.
"Ako nga pala si Veronica Zairel Arrison. Nice to meet you sir." Seryosong sabi ko sabay abot ng kamay ko kay Mr.Ramos.
"Arrison? Kaano ano mo si Travis Anthony Arrison?" Tanong sakin ni Mr.Ramos
"He is my Father sir. May problema po ba?" Takng tanong ko naman sakanya.
"Wala naman Zairel. Kilala lang kasi na napaka galing mag solve ng mystery cases ang ama mo at ang kanyang ama na si Tony Arrison." Sabi nya habang ang laki ng ngiti. Tumango nalang ako para hindi na humaba ang usapan namin dahil gusto ko nang sabihin sa kaniya ang nakita ko.
"Sya nga pala. Base sa nakikita ko nagiimbistiga kadin. Noon mo pa ba ginagawa yan?" Tanong nya sakin.
"Mahilig akong magbasa ng mga mystery cases. Bukod doon nakakasama ako sa mga kaso na pinupuntahan ni papa. Kaya kahit papano may alam ako sa pag solve ng mga kaso." Sabi ko sakanya habang nakatingin lang sya na may pagkamangha sa akin.
"Sya nga pala sir. Napaka imposible na maging suicide ang nangyari sa biktima. Base sa nakita ko may dugo na tumutulo sa leeg ng biktima. Kung hindi ako nag kakamali, hiwa sya ng matalim na bagay. Isa pa tignan nyo yung wrist ng biktima." Lumapit ako sa biktima at itinaas ang laylayan ng long sleeve na suot ng biktima.
"Tignan nyo yung mga hiwa sa wrist nya. Kung talagang nag suicide ang biktima dapat pantay ang mga sugat nya. Hindi tulad nitong mga sugat nya. Hindi pantay pantay at Parang minadali." Dagdag ko pa na nagpalaki ng mga mata nilang dalawa. Yun ang natutunan ko sa papa ko.
"Oo nga noh. Naalala ko na yun din ang sabi sakin ni lolo tony noon. Pero kung pinatay nga sya ano ang motibo nung taong yun?" Takang tanong ni neil. Gaya nya ganun din ang iniisip ko.
"Hindi natin alam sa ngayon pero kung iisa isahin natin ang lahat malalaman natin kung paano sya pinatay, kung sino ang pumatay at kung bakit sya pinatay." Sabi ni Mr.Ramos.
"Tama. Sa dami ng evidences na nakapaligid sa biktima madali nating malalaman ang lahat." Sabi ko sabay talikod sa kanila.
"Oh san ka pupunta Miss zairel?" Tanong ni sir
"Mag lilibot lang ako. Aalamin ko kung paano nangyari ang lahat." Sabi ko sabay lakad.
Hindi pa man din ako nakakalayo sa kanila may napansin ako sa hagdan.
Gasgas ng sapatos? Dugo na parang kinaladkad?
Ano naman kaya ang nangyari dito?
Pinag sawalang bahala ko nalang yun dahil pwede din na meron nang ganun doon bago pa mangyari ang krimen.
Pag panik ko sa kwarto ng biktima sobrang gulong kwarto ang naabutan ko. Parang may nagaway dito. At nag hagis ng nga gamit.
Nakita ko naman ang isang kagamitan ng biktima at tinignan ang mga pwedeng gawing evidence.
Isang evidence na ang meron ako! Ayos!!
Inilagay ko sa ziplock plastic bag ang Bagay na nakuha ko. At nagikot pa sa kwarto ng biktima. Tama sila may dugo nga dito. At parang mas dito pa namatay ang biktima kaysa sa sala kung saan natagpuan ang bangkay.
Bumaba naman ako at nag libot pa. Nakita ko ang ilang mga patak ng dugo at Sinundan ko ang mga ito pero sa kusina ako napunta at katulad ng sa sala madami ding dugo dito. Pero hindi tulad ng mga nasa ibang part ng bahay puro patak ang mga ito.
Sandali lang. kung nagpakamatay ang biktima. Paano nag karoon ng dugo dito? Imposible naman na naglakad yun eh patay na yun.
Sabi ko na nga ba!
May napansin naman ako sa isang kabinet doon. May tulo din ng dugo. Binuksan ko naman ang kabinet nayun at nakita ko ang isang knife na puro dugo. Kinuha ko iyon at inilagay sa plastic na hawak ko.
Bumalik na ulit ako sa dalawang naguusap at ipinakita sa kanila ang mga evidence na nakuha ko.
"Neil. Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ng detective na tumingin dito kanina?"Tanong ko kay neil at hindi nag tagal ay sinabi nya na din naman
"Romel De Mesa. Yan yung pangalan ng detective na tumingin sa biktima kanina. Ang nkakapag taka lang hindi pa sya tumatagal ng 20 minutes dito saka nya sinabi na suicide lang ang lahat ng nangyari.parang kinakabahan din sya noon.Tapos agad na din syang umalis" kuwento ni neil sa akin at napaisip ako.
"Sabi naman ng mga katulong dito nung madaling araw daw kanina ang na kung tingin nila ay mga alas quatro ng madaling ara ay may narinig daw silang nag aaway sa kwarto ng biktima. Inisip nila na nag aaway lang ang boyfriend nya at ang biktima kaya hindi na nila pinansin pa." Kuwento naman ni sir ramos.
Kung ganon.posible din na ang boyfriend nito ang pumatay. Pero paano yung sa detective na sinasabi ni neil.
"Pwede nyo bang papuntahin dito ang ang detective at ang sinasabing boyfriend ng biktima?" Tanong ko sa kanila at sabay naman silang tumango.
Habang nag uusap kaming tatlo may lumapit naman na isang pulis sa amin.
"Sir nandito na po si Mr.Guzman ang kasintahan ng biktima ." Sabi ng pulis na lumapit sa amin.
"Sige salamat." Sabi ni neil
"Pero sir. Hindi daw po makakapunta si Detective De mesa. Emergency lang daw po." Sabi pa ng pulis
"Hindi pwede! dapat nandito din si detective. Para malaman natin na kung magkaibang tao ba sila o iisa lang" sabi ko na may ngisi sa aking mukha.
"Anong ibig mong sabihin zai?" Takang tanong naman sakin ni neil habang si chief ay nakatingin lang sakin na may pag tataka.
"Malalaman nyo din mamaya."
Huli ka na ngayon. Wala ka nang kawala.