“May bisita ka,” walang emosyong sabi niya. Bumalik na siya sa loob at iniwan niya ang dalawa sa labas. Kunot ang noong bumaling si Zander kay Nadia. “Ano’ng ginagawa mo rito? I don’t discuss business on my place. Kung may concern ka, si Patrick ang kausapin mo.” “Pwede ba tayong mag-usap?” ani Nadia. “Talk about what?” “About us,” ani Nadia. Napailing si Zander. “Are you out of your mind? Malinaw naman sa’yo na si Isay ang hinahanap ko, ‘di ba? Nagpanggap ka lang na siya. Ano’ng sinasabi mong tayo?” “Ganoon na lang ba ‘yon? Paano ‘yung pinagsamahan natin? Wala lang ba ‘yon sa’yo?” Natawa si Zander. “Naririnig mo ba ‘yang sarili mo, Nadia? Ikaw ‘yung umalis at sumama sa ibang lalaki tapos ikaw pa ang may ganang manumbat?” Napailing siya. “Oo. Alam kong mali ako. Pero nandito na ako

