Pero sa paglipas nang mga araw hindi maiiwasang hindi ma-insecure si Isay. Lalo’t napapaligiran ng mga sexy at nagtatangkarang mga babae si Zander. Kahit pa paulit-ulit na sinasabi ng binata kung gaano siya nito kamahal. Nandoon pa rin ang takot niya na baka isang araw ay bigla na lang itong matukso sa iba. Ano ba’ng laban niya sa mga sopistikadang babaeng taga- Maynila. Isa lang naman siyang hamak na probinsiyana. Ni hindi niya nga sigurado kung nagagandahan nga ba sa kanya si Zander o naakit lang ito sa pinakita niyang lakas ng loob nang suungin niya ang umuusok na kotse para iligtas ito. Sa ilang buwan niyang pamamalagi sa opisina ni Zander, nakita niya ang iba’t ibang mukha ng mga babae na nakakasalamuha nito. May maputi, maitim at morena pero lahat magaganda at sexy. Kaya lalo pa siy

