Nagtimpla siya ng kape at pagkatapos ay isinalang na niya ang kawali sa stove para ipagluto ito ng almusal. Sa tagal nang pag-iisip niya sa kung ano ang iluluto, umusok na ang kawali sa sobrang init. Naamoy ni Zander ang nasusunog na kawali kaya agad itong tumayo at pinatay ang kalan. “Susunugin mo ba ang bahay ko!” halos um-echo sa loob ng bahay ang boses ni Zander. “Sorry! Hindi ko sinasadya.” “Ano ba kasi’ng nakita sa’yo ni Mama, ha? Eh, mula noong una kitang nakita puro disgrasya na ang inabot ko sa’yo!” anito atsaka umiling. “Huwag ka nang magluto! Sa labas na lang ako kakain.” Tumayo na ito atsaka siya iniwan. Napabuga na lang ng hangin si Isay. “Grabe! Ang sungit naman niya. Sayang gwapo pa naman.” Nang makaalis si Zander, nag-ayos siya ng bahay. Binago niya ang mga pwesto ng s

