“Bitawan niyo nga ako!” galit na iwinaksi ni Isay ang mga kamay ng gwardiya. “Ma’am, kami ang mapapagalitan sa ginagawa niyong iyan, eh.” “Kaya kakaladkarin niyo na lang ako? Ganoon?” aniya na bahagya pang tumingkayad sa harap ng matangkad na gwardiya. “Bakit po ba kasi balik kayo nang balik diyan. Eh, galit naman yata sa inyo si Sir,” tanong ng isang gwardiya. “Ganoon lang talaga ‘yung boyfriend ko na ‘yon. Matagal kasi akong nawala kaya masama ang loob niya sa akin,”kunwa’y sabi niya. Napakunot ang noo ng gwardiya. “Boyfriend niyo po si Sir?” “Bakit? Hindi ba kapani-paniwala? Mama niya pa nga mismo ang nagpapasok sa akin dito, ‘di ba?” nanlalaki ang mga matang sabi ng dalaga. “Oo nga. Mama nga ni Sir Zander ‘yung nakausap namin noong isang araw. Pero paano ‘yan? Ayaw ka nga niyan

