Agatha’s POV
Lunes ngayon, ibig sabihin makikita ko siya.
Pagkarating ko sa school ay si Blade agad ang hinanap ng mga mata ko. Kagabi ko lang napagtanto na may gusto nga ako sa kanya.
Nakita ko kung sino ang kasama niyang bumaba ng sasakyan matapos siya pagbuksan ng isang babaeng mukhang butler nila.
Lumapit pa ako nang kaunti upang marinig ang pinag-uusapan nila.
“Wifey, sabay na tayong umuwi mamaya ha?” sabi ni Blade sa babaeng may malamig na ekspresyon.
“Sige,” sagot nito.
At nang akmang aalis na siya ay hinila siya ni Blade saka hinalikan sa noo at nagpaalam dito.
Napalingon na lang ako sa ibang direksyon dahil hindi ko na kayang panoorin pa. Tumalikod na ako at naglakad papasok ng university.
“Psssst, Agathaaa.”
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Blade na nakangiting kumakaway sa akin.
“Ba’t parang ang lungkot mo yata?” mahinang tanong nito sa akin.
“Ha? Hindi, haha. Napuyat lang ako,” sagot ko rito.
“Ikaw? Parang sobrang saya mo naman yata?” pasimple kong tanong. Napansin ko kasing sobrang aliwalas ng mukha at ngiti niya.
“Ahaha, oo. Sobrang saya ko talaga!” masaya nitong sabi at ngumiti nang malaki.
“Talaga? Bakit naman?” tanong ko habang pilit na nakangiti.
“Mamaya ko na sasabihin. Tara na, may announcement daw ngayon ang mga prof,” sabi nito.
Naglakad na kami, at nang makarating kami sa classroom ay naroon na sina James na may kanya-kanyang ginagawa.
Nang mapansin ng mga ito na narito na kami, kanya-kanya naman silang tanong.
“Ano, kamusta ang pagpunta sa Disneyland?” tanong ni Jake habang nakangisi.
Napakunot naman ang noo ko. Malamang ay iyon ang dahilan kung bakit sobrang saya nito.
“Masayaaaaaa…” masiglang sabi naman ni Blade.
“Talaga? Nakita mo ba si Olaf? Ha? Nakita mo ba?” makulit na tanong ni Tristan.
“Oo, at saka nakapagpapicture pa ako sa kanya. Bastaaaaaa, ang saya!” kuwento nito.
“Talaga? Patingin ako, daliii!” excited na sabi ni Tristan.
Ngunit bago pa mailabas ni Blade ang cellphone niya ay dumating na si Prof.
“Okay, class. Siguro naman aware na kayo na malapit na ang Foundation Day, ’di ba?” nakangiting tanong ni Prof sa amin.
“Yes, Ma’am,” sagot ng mga kaklase ko.
“So this week ang foundation natin, kaya ’yong mga sasali sa sports puwede nang mag-tryouts dahil magsisimula na rin naman. Bawat classroom ay magkakaroon ng kanya-kanyang booth. Ang nabunot kong booth para sa class natin ay Marriage Booth. May two days tayo para mag-prepare.
Sa first day ng foundation ay labanan ng sports, and also sa second day at pagdating ng gabi ay may Battle of the Bands naman na maglalaban-laban. Tinanggal ang pageant because of unknown reason. Pero sa last day ng foundation natin, magkakaroon ng ball and guess what? Dadating si Madam Morgan with her husband,” nakangiting paliwanag ni Ma’am.
Bigla namang may estudyanteng nagtaas ng kamay.
“Ma’am, may asawa na po pala si Madam Morgan?” tanong nito.
Nginitian naman siya ni Ma’am.
“Yes. Actually, recently ko lang din nalaman,” nakangiting sabi nito.
“So, Ma’am, anong theme ng ball?” tanong naman ni Sarah.
“Masquerade ang theme, but don’t worry. Pagsapit ng midnight, magkakaroon ng Mask Off,” paliwanag ni Ma’am.
“Maaga ko kayong idi-dismiss ngayon para maayos ang booth natin and also ang mga magta-tryouts sa sports,” sabi ni Ma’am pagkatapos ay umalis.
Tumayo naman sa harap ang president namin.
“So guys, ’yong mga magta-tryouts, pagkatapos n’yo ay bumalik agad kayo para magawa ang booth natin at makatulong kayo. Itaas ang kamay ng mga walang sasalihan.”
Nagtaasan naman sila ng kamay. Nakita kong tumaas ang kamay ni Blade kaya napataas na rin ako ng kamay. Kahit gusto kong sumali sa badminton, mas gusto kong tumulong para kasama ko si Blade.
“Oy, pre, nasabi ba sa ’yo ni Ice ’to?” rinig kong bulong ni Jake kay Blade.
“Hindi,” sagot naman nito.
Nag-alisan na ang mga magta-tryouts kaya naman natira kami, kasama na rin sina James at Tristan dahil magta-tryout daw si Jake sa basketball.
Nag-a-assign ngayon ng mga gawain ang president.
“Agatha, ikaw ang magde-decorate. Tutulungan ka ni Samantha,” sabi nito.
Tumango ako.
Hinintay ko kung ano ang iuutos nito kay Blade.
“Blade, ikaw ang bibili ng mga kakailanganin. Kukuha tayo ng gastusin sa fund ng section na ’to.”
“President, kami na lang ni James ang bibili. ’Di ba, James?” sabi naman ni Tristan.
Tumango naman ito.
“Oh sige. Pero anong puwedeng iutos kay Blade? Lahat na-assign ko na,” sabi ni Pres saka nag-isip.
“Ako na lang ang bahala sa lahat ng gagastusin,” sabi ni Blade.
Dahilan iyon para magtinginan ang mga kaklase naming naiwan sa room.
“Wooaaah, sigurado ka?” tanong ng vice president namin.
“Hahahaha, barya lang kay dude ang mga gagastusin,” tumatawang sabi ni Tristan.
“Oh sige. Dahil ikaw ang gagastos, wala ka nang gagawin. Free kang gawin lahat ng gusto mo hanggang matapos ang foundation,” sabi ni President.
Kita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha ni Blade.
“Talaga?” malakas na tanong nito saka tumayo.
“Aalis na ako,” sabi nito at saka tumakbo.
Takang-taka naman si Pres sa inasta nito at kung saang lupalop ng university ito pupunta.
“Saan naman kaya pupunta ’yon?” tanong ni Pres sa sarili.
Mukhang narinig naman iyon nina Tristan.
“Nandiyan lang ’yon sa isa sa pinakamahalagang kwarto sa school na ’to,” misteryosong sambit ni James.
Nagtinginan kami sa kanya.
“Saan naman?” kunot-noong tanong ni Pres.
“It’s for me to know and for you to find out,” nakangising sabi nito, saka tumayo.
“Bibili na kami.”
At magkasamang umalis silang dalawa ni Tristan.
Queen Denise Morgan’s POV
Kasalukuyan akong nandito sa opisina habang binabasa ang mga importanteng papeles.
Dahil wala ngayon si Van—nasa U.S. siya para i-check ang school doon, pero babalik din naman siya ngayong Wednesday, pagsisimula ng foundation—ako muna ang tumututok dito.
Nagulat ako nang biglang pumasok si Blade.
“Hooooo… hello, Wifey,” sabi nito sabay hinga nang malalim.
Mukhang galing sa takbohan.
“Bakit hindi ka nakiki-participate sa classmates mo?” tanong ko rito.
Umupo naman ito sa sofa at binuksan ang bag. May kinuha itong dalawang Mogu Mogu saka ibinigay sa akin ang isa.
“Sabi ko kasi sa kanila, ako na ang bahala sa gastos para sa booth namin, basta wala na akong gagawin,” paliwanag nito saka binuksan ang hawak na Mogu Mogu.
“Bakit mo naman ginawa ’yon?” tanong ko rito, pero sa mga papeles pa rin ako nakatingin.
“Para wala akong gagawin at sasama na lang ako sa ’yo buong week na ’to, Wifey,” sabi nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
Like seriously?
Nasa iisang bahay lang naman kami.
Hindi na ako nagsalita.
Nakikita ko naman ang galaw niya kahit nakatingin ako sa mga papeles. Kinuha niya ang laptop niya at seryosong nagtipa sa keyboard.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko rito.
“Pinag-aaralan ko kasi, Wifey, ’yong mga binigay mo sa aking guidelines at transactions, pati na rin mga projects ng Morgan State at syempre transactions ng Thanatos,” seryoso nitong sabi habang nakatitig sa laptop niya.
Napatango na lang ako at muling bumalik sa pagbabasa ng mga documents habang siya ay ganoon din.
Kruuu Kruuuu
Nakita kong natigilan ito.
Napangisi naman ako.
Mukhang gutom na ’to.
“Magpapadala na lang ako ng pagkain kay Butler Mae,” sabi ko rito dahil kahit ako ay nakakaramdam na rin ng gutom.
“Sige, Wifey. Ayoko rin kasing lumabas, baka magtagpo ang landas namin ni Limuel at Sarah. Hahahaha,” sabi nito habang tumatawa.
Nakuha pa talagang tumawa kahit alam naman niya ang mangyayari sa kanya oras na magtagpo ang landas nilang tatlo.
Tinawagan ko si Butler Mae at sinabi rito ang pakay ko bago ibinaba ang tawag.
“Bakit hindi mo subukang pag-aralan ang paghawak ng armas? Mag-umpisa ka sa self-defense,” sabi ko rito matapos kong makausap si Butler Mae.
Ang tanging isinagot lang sa akin ni Blade ay ilang ulit na pag-iling.
“Ayoko, Wifey. Siguro saka na lang. Nandiyan ka naman, Wifey, ’di ba? Hindi mo ako pababayaan?” tanong nito sa akin habang nakangiti.
“Uh-huh,” sagot ko na lang dito.
Maya-maya pa ay dumating na si Butler Mae.
“Queen,” yuko nito sa akin.
“King,” yuko rin nito kay Blade bago ito umalis.
Nag-umpisa na kaming kumain.
“Ano lang ang pinag-aaralan mo?” tanong ko sa gitna ng pagkain namin.
“Ang mga transactions ng Thanatos at projects ng Morgan State para kung sakaling dumating ’yong point na hindi ka available, may alam ako sa mga bagay na ’yan,” sabi nito sa akin habang ngumunguya.
“Delikado ang transactions sa mafia. Kaya mo ba?” tanong ko rito.
“Nandiyan naman sila Butler Mae pati na rin sina Ace. At saka hindi ka naman mawawala, kaya walang problema,” masiglang sabi nito.
Mukhang naiintindihan na nga niya.
Natapos kaming kumain at bumalik na kami sa mga ginagawa namin.
Hindi namin namalayan ang oras at hapon na pala.
Sabay na kaming lumabas sa opisina ko at naglakad patungo sa parking lot.
Nakita ko naman doon si Limuel na mayabang na nakasandal sa kotse ko.
“Hello, Ice,” nakangiting kaway nito sa akin.
Naramdaman kong hinawakan ni Blade ang kamay ko.
“Oh, holding hands. Natatakot ka na ba, nerd?” nakangising sabi nito.
“Wala yata ang amo mo?” malamig kong sabi rito.
“Amo?” nagtatakang tanong nito.
“Yung babae. ’Di ba amo mo ’yon at alalay ka lang niya?” nang-aasar kong sabi rito.
Nakita ko kung paanong dumilim ang mukha nito at hindi ito agad nakapagsalita.
“Alis,” malamig kong sabi.
“Aalis ako kung sasabihin mo sa akin kung kaano-ano mo ang nerd na ’yan!” matapang nitong sabi.
“Wala kang pake,” sagot ko, saka ko siya hinawi na parang papel lang.
Natumba naman siya.
Pumasok na ako sa kotse. Pumasok na rin si Blade.
“Ba’t nakangiti ka?” tanong ko.
“Wala lang, Wifey. Masama na bang ngumiti?” sabi nito.
“Oo. Masama, lalo na kung wala namang dahilan,” sagot ko rito.
“Sino’ng may sabing wala? Hindi ka pa ba sapat na dahilan para ngumiti at maging masaya ako?”
Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng mga pisngi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.
Tumigil kami sa isang sikat na boutique.
“Wifey, mag-a-ano tayo dito?” tanong nito sa akin.
“Kukunin ang maskara natin para sa ball,” sabi ko.
Tumango naman ito.
Nang makuha ko na ang dalawang maskara ay umuwi kami agad dahil alas-sais na ng hapon.
“May transaksyon ako mamaya,” seryoso kong sabi.
“P’wede ba akong sumama?” tanong nito sa akin.
“Oo, pero kailangan hindi maskara ng King ang gagamitin mo dahil puwede ka nilang patayin,” sabi ko rito.
“Sige, Wifey, sasama ako. Anong oras ba?” tanong nito.
“8 PM, sa Makati Bar,” sagot ko rito.
“Doon ba ulit sa bar na pinuntahan natin?” tanong nito sa akin.
“Hindi na. Doon na sa isang branch.”
“Okay, Wifey.”
Nakarating kami sa bahay. Kumain lamang kami at nagkanya-kanyang akyat na.
Naligo muna ako bago nagbihis. Ilang sandali pa ay dumating si Blade.
Naka-semi-formal attire ito at full black mask, habang ako naman—dahil ang alam lagi ng mga katransaksyon namin ay kanang kamay ako ni Queen, which is ako rin—ay half mask na pure black lang din.
Bumaba na kami.
Nakita ko roon sina James, Jake, Ace, pati na rin si Butler Mae na mga nakamaskara rin.
Sumakay kami sa van dala ang hiling ng buyer—ang mga armas na gawa ng aming organisasyon.
Nang makarating kami ay dumaan kami sa fire exit para hindi agaw-pansin sa mga tao.
Pumasok kami sa isa sa mga VIP room. Nasa tabi ko lang si Blade at tahimik lang ito.
“Oh, hello, dear. I thought Queen would meet us now, but like the otherwise, nagpadala na naman sila ng tauhan,” sabi ng isang matandang lalaki, na siyang katransaksyon namin.
Tinanguan ko si Ace.
Binuksan nito ang malaking attached case na naglalaman ng apat na iba’t ibang klase ng baril. Akmang hahawakan na sana iyon ng matanda.
“So where’s the money?” sobrang lamig kong sabi.
Sumenyas siya sa isang lalaking may hawak ding attached case at binuksan din iyon.
Nagpalitan ng attached case.
Pero hindi talaga mawawala ang mga mandaraya sa ganito.
Lahat ng tauhan ni tanda ay nakatutok ang baril sa amin.
Bago pa man sila makapagpaputok, nabaril na sila ni Butler Mae na nasa dilim ngayon.
Akala siguro nila ay hindi ko pinaghandaan ang bagay na ’to.
Inaasahan ko nang mangyayari ang ganitong sitwasyon.
“Kung naging madali ka lang sanang kausap,” sabi ko rito, saka ko siya pinaputukan sa ulo.
Dinala nina Ace at James ang mga attached case at tahimik lang kaming dumaan ulit sa fire exit.
“Are you okay?” tanong ko kay Blade nang makasakay kami sa van.
“Oo naman, Wifey. Hehe,” sagot nito.
“Pero bakit ang tahimik mo yata?” sabi ko.
“Parang ang cool kasi, Wifey. Hihihi.”
Napakunot-noo ako at hindi na lang iyon pinansin.
Agad kaming nakarating sa mansyon. Pagbaba ng van ay tiningnan ko sina Ace.
“Kayo na ang bahala diyan,” malamig kong sabi bago tinalikuran ang mga ito.
“Yes, Queen,” sabay-sabay na sabi ng apat saka yumuko.
Umakyat na ako sa kwarto ko, kasabay ko si Blade.
Bago ako tuluyang makapasok sa silid ko ay may sinabi pa si Blade.
“Goodnight, Wifey. I love you,” sambit nito at dumiretso na sa sarili niyang silid.
I love you too, Hubby, sagot ng isip ko.