Queen Denise Morgan’s POV Parang hobby ko na yata ang magising sa loob ng kwarto namin. At heto na naman ako. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko habang nakatitig sa kisame. Ilang segundo muna akong hindi gumalaw, pilit inaalala kung anong nangyari at bakit na naman ako narito sa kwartong pamilyar na pamilyar sa akin. Tahimik ang paligid. Malamig ang hangin dahil sa aircon. At ang unang bagay na hinanap agad ng mga mata ko ay— Si hubby. “Hmmm… where’s my hubby?” Napaupo ako sa kama at agad na nilibot ng tingin ang buong silid. Wala siya sa tabi ko. Wala rin sa sofa. Hindi ko tuloy maiwasang mag-pout. Ilang saglit pa, bumukas ang pinto ng comfort room at saka ko siya nakita. “Hey, my Queen, are you looking for me?” Napatingin ako sa kanya. Kagagaling lang niya sa CR at mukha

