Gabby’s POV “Nasobrahan lang sa puyat ’yan kaya ganyan. Inumin mo ’to para mabawi ang lakas mo. And Ki— I mean, Blade, huwag mong hayaang malipasan ng gutom ang girlfriend mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Kuya Gio. Agad akong napatingin kay Viper, pero nakatingin lang ito kay Queen Denise, kaya napatingin na rin ako sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinanggagalingan ng boses ni Kuya, kaya napatayo na rin ako at sumunod. Tumayo rin si Viper. Pagbukas ni Queen ng pinto, agad naming nakita ang nasa loob. Nandoon sina Ace. At nandoon din si Blade. Kasama si Agatha, na ngayon ay halos nakapulupot na sa braso niya. “N-nandiyan ka pala,” nauutal na sabi ni Kuya Gio nang makita si Queen. “M-m-may masakit ba sa’yo?” “Hi, nerd,” maarteng bungad ni Agatha habang

