Queen Denise Morgan’s POV “Salamat sa paghatid. Ingat kayo,” sabi ko sa kanila bago bumaba ng sasakyan. “Ingat, Iceeee,” makulit na sabi ni Jed. “Babalik daw agad si Bullet para sa’yoooo.” Napatawa naman ako sa sinabi niya. Naglakad na ako papasok sa school. Naisip ko na dalawin muna si Van sa opisina niya dahil maaga pa naman. Kaya dumaan ako sa sekretong lagusan. Nang buksan ko ang pinto, imbes na si Van ang bumungad sa akin, si Blade ang nandoon. Nanlamig agad ang buo kong katawan. “S-sorry,” sabi ko agad. “Akala ko nandito si Van.” Akmang aalis na sana ako nang magsalita siya. “It’s okay,” malamig niyang sabi. “Anyway, I’m hoping na hindi na kita makita kailanman. Ayokong nagagalit sa akin si Agatha.” Parang biglang may dumagan sa dibdib ko sa narinig ko. Hindi ako agad naka

