Ace’s POV It’s been three days since nangyari kay Queen ang insidenteng iyon. Three days na rin siyang hindi pumapasok. At next week na ang intramurals. Napatingin ako kay Blade, na ngayon ay tahimik lang at halatang malalim ang iniisip, habang sa tabi nito ay si Agatha na walang ibang ginawa kundi magkuwento nang magkuwento na para bang wala siyang napapansing kakaiba rito. Wala ngayon sina Tristan, Jake, at James dahil ipinadala sila ni Blade sa New York para sa isang importanteng lakad. “Lalim ng iniisip natin, ah?” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Gabby. Tiningnan ko siya saglit bago ako muling tumingin sa kawalan. “Kamusta na siya?” tanong ko rito. “Maayos na siya,” sagot ni Gabby. “Hindi siya umaalis ng bahay. Nandoon sina Bullet para bantayan si Queen. At kung pagba

