Jana’s POV Nakatingin lamang ako kay Ice. Nakatayo kami ngayon dito sa bench na nakalaan para sa team namin. “GOOD DAY, STUDENTS! AND WELCOME TO THE STUDENTS OF ADAMSON UNIVERSITY, BLUE RING UNIVERSITY, LANDER UNIVERSITY, AND HARRISON UNIVERSITY…” Hindi ko na pinakinggan ang opening remarks. Ang haba. At mas maingay pa ang students na sumisigaw ng pangalan ng kani-kanilang school. Napatingin ako kay Ice. Nakangiti ito at mukhang nag-e-enjoy, pero sa mga mata nito ay makikita mo ang lamig at pagiging delikado. Napakasimple ng ayos niya. Nakabraid at nakataas ang buhok niya, may ilang hiblang nakalaglag na lalong nagpaganda sa mukha niya. Kahit nakasalamin siya, hindi natatakpan noon ang ganda niya. “Hey, Jana? Tulala ka diyan? Tapos na, oh.” Napatingin ako kay Ice, na parang ba

