Queen’s POV Day 5 ng Intramurals. At hanggang ngayon, sumasakit pa rin ang puson ko. Championship na ngayon, at ang school na may tig-apat na panalo ay Morrigans University at Adamson University, kaya sila ang magiging kalaban namin. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal dito sa mansion. “Manonood ba kayo?” nagtatampo kong tanong sa kanila. Nung mga nakaraang araw kasi, hindi sila nanood. Bukod pa doon, mukha silang sobrang busy. Gabi na rin lagi silang umuuwi. “Oo naman,” sagot ni Kuya Gio. “Kaya galingan mo, kasi manonood din ako.” Dahil doon, agad namang lumiwanag ang mukha ko. “Kaya mo na bang maglaro, Gabby?” tanong ni Viper. Lumunok muna si Gabby bago sumagot. “Oo. Maayos na ang paa ko,” sabi nito saka muling sumubo. Nakatingin lang ako sa kanilang lahat. Halata sa mga mukha ni

