Jerson Yu’s POV Finally. After so many years, nakabalik na rin ako rito sa Philippines. Hindi ko alam kung bakit, pero paglapag ko pa lang dito ay may kakaibang pakiramdam na agad akong naramdaman. Parang may kung anong humihila sa akin pabalik sa bansang ito—hindi lang dahil kalahating Pilipino ako, kundi dahil pakiramdam ko, may mahalagang parte ng buhay ko ang naiwan dito. Nagdesisyon akong ipagpatuloy ang college ko rito sa Pilipinas, kaya habang nasa Korea pa ako, nag-enroll na ako sa Morgan University, isa sa pinakamalalaking school dito sa bansa. Isa pa, nandito rin si Limuel. Kaibigan ko siya. At sa ngayon, siya ang isa sa iilang taong kakilala ko rito. Anyway. I’m Jerson Yu. Korean ang father ko, Pilipina naman ang mother ko. I’m twenty-two years old, at kahit sanay ako

