Limuel’s POV Kasalukuyan akong nasa school. Ngayon lang ulit ako nakapasok matapos ang ilang araw na pagkawala dahil abala ako sa mga paghahandang ginagawa para sa mafiang hawak ko. Smirk. Habang naglalakad ako sa hallway, bigla akong may nakabangga. Bogsh! “A-aray…” reklamo ng nakabangga sa akin. Napatingin ako rito, at nang makita ko kung sino, kusa akong napangiti. “Hanggang ngayon ba naman, lampa ka pa rin?” natatawa kong sabi. Hindi ako nainis. Dahil si Ice iyon. Nakatingin siya sa akin, bahagyang nakapout, halatang nagmamadali. “Hmp. Nagmamadali kasi ako,” sagot niya. “Napasok ako sa basketball girls at papunta ako sa gym ngayon.” Napatitig ako sa kanya. Bakit ang cute niya? Nginitian ko siya. “Sabay na tayo. Papunta rin ako roon,” sabi ko. “Sige, sige,” mabilis niya

