Blade Ford-Morgan POV “What do you want from my wife?” Malamig kong tanong sa mga gagong humawak sa aking reyna. “S-sila Megan… sila ang may pakana ng lahat,” nanginginig na sagot ng isa sa mga lalaki. Alam ko na iyon. Kitang-kita ng sarili kong mga mata. Kasalukuyan kaming nasa interrogation room ng hideout ng THANATOS. Malamig ko silang tinitigan bago ako dahan-dahang tumayo. Iniabot sa akin ni Ace ang baril ko. Bang. Bang. Bang. Isa-isa ko silang binaril sa balikat. Hindi pa naman ako ganoon kasama para agad silang patayin. “Sabihin mo sa Megan n’yo—huwag na huwag niyang gagalawin ang reyna ko kung ayaw niyang maranasan ang impiyerno,” malamig kong sabi bago tumalikod at umalis. Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi ko sila pinatay. Kailangan may maghatid sa malanding bab

