Nakatuon lang ang buo kong atensyon sa kabuuan ng paligid ng syudad. Ramdam ko narin ang ginaw pero hindi ko iyon alintana. Ilang sandali lang ay nakuha ng isang taxi na kakaparada lang sa di kalayuan ang umagaw ng atensyon ko. Lumabas doon ang imahe ng halimaw na lumipad agad ang tingin sa akin. Inirapan ko agad ito. "Akala ko ba kasama mo ang babae mo? Ba't ka pa pumunta dito?" naiirita kong tanong sa kanya nang makarating siya sa direksyon ko. Nanatili ang tingin ko sa harap habang nakapulupot sa isa't isa ang braso.Hindi niya ako sinagot. Naglakad siya papalapit sakin at umupo rin sa kotse niya. May maliit paring espasyo ang namamagitan sa aming dalawa. "Ngayon ko lang napansin na punit na pala yang likod ng damit mo. Ba't ka nagsusuot ng ganyan? Kinulang sa tela. Tss." reklamo

