Pagsapit ng examination ay napanatag ako dahil napag-aralan ko lahat ng lumabas sa exam. Yung halimaw naman ay pinasadahan lang ng tingin ang tatlong test papers hanggang nasagutan niya ito ng walang kahirap hirap at nauna pang matapos sa pagsagot. He's too smart. Hindi na muna ako pumunta sa condo niya dahil may lakad raw silang magpipinsan kaya nandito ako ngayon sa kwarto ni Anne at nakapangalumbaba habang pinagmamasdan siyang nakababad sa laptop niya. "Lumayas ka nga dito sa kwarto ko! Naaalibadbaran ako sa nakabusangot mong mukha. Ayokong mahawa." Pinaningkitan niya ako ng mata. Mabilis ko siyang binato ng unan na tumama agad sa mukha niya. Lecheng babaeng 'to. "Akala mo ba ikinaganda mo yang pagtataray sakin? Hindi. Iniisip ko lang kung anong ginagawa ng halimaw na 'yon ngayon.

