Pagdating ko sa classroom ay tumambad agad sakin ang bakanteng upuan naming dalawa. Hindi pa ata siya dumadating. Tahimik lang akong nakaupo doon. Balak ko na sana siyang itext nang may umagaw ng atensyon ko na kakapasok lang. Kasama niya ang isa niyang pinsan at si CheyenneJade. "Thanks for the ride RM." Sabi sa kanya ni Cheyenne na nginitian ito ng tipid. Nginitian niya ito at tinanguan na nagpataas ng kilay ko. Ba't niya nginingitian si Cheyenne tapos ako susungitan niya agad? Why so unfair monster? Nang umupo siya sa tabi ko ay hindi ko na nalabas ang inis ko dahil dumating na yung prof. Buong klaseng magkasalubong ang kilay ko at hindi siya nililingon. Ayaw kong makita ang mukha niya baka masapak ko lang siya. Pagkatapos ng klase ay mabilis kong dinampot ang purse

