Tahimik lang ako buong byahe. Siya naman magkasalubong ang kilay. Fine, he's mad! "Monsty... your Dad is mad." Hinaplos ko ang tiyan ko. "Monsty, your Mom is too stubborn." may diin niyang sabi sa huling salita. God! Pinapamukha talaga sakin na may kasalanan ako. Hindi niya rin naman ako masisisi! Iniiwan ako! Kung nasa tabi ko siya edi hindi ako mabibitbit ni Sky! Pag inaway ko siya ipapamukha niya lang sakin na nagtatrabaho siya! Ang sabihin niya gusto niyang makita yung sekretarya niya! Humalukipkip ako at napabusangot dahil sa mga pinag-iisip ko. Wala akong pakialam kung galit siya. "Stop being so grumpy. Smile wife. Advice yan ng doctor." Ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko. Ngumiti ako ng malapad kahit na taliwas iyon sa nararamdaman ko ngayon. Pi

