Paglabas ko ng bahay ay kotse niya agad ang tumambad sa akin. Lumabas siya ng kotse at inalalayan akong pumasok sa front seat. Sinabi kong ayaw ko siyang makita kaso nawawala rin iyon sa utak ko. Naiinis ako sa kanya pero gusto ko namang nakikita ang mukha niya kahit naiinis ako. Ang labo! "Ba't ka nandito? Alam mo naman diba na galit ako sayo!" Inirapan ko siya. Pumasok parin ako sa loob. Gusto ko rin kasing lumabas ng bahay. Nakakabagot sa loob. Para akong nakakulong. Naaalibadbaran rin ako sa mukha ng katulong na napakadaldal. "Yes wife. I'm just fetching you. Kung ayaw mong hindi kita kausapin then I'll shut my mouth. Just don't push me away." sabi niya nang makaupo na sa driver's seat. Ngumisi siya sakin. Siya na mismo ang nagseatbelt sakin. Maingat niya itong ginawa. Pa

