MISTULANG nakapalayo ng daang tinatahak niya dahil sa nararamdaman niyang pagkahilo dulot ng kalabisang pagdurugo. Malaki ang sugat na nagawa ng tumusok na kamay sa kaniya. Nahihirapan man diretso lamang siya sa paglalakad. Sumasandig pa nga siya sa naiwang dingding ng nagibang bahay upang kumuha ng suporta rito, ang malaya niyang kamay ay pinipisil niya sa sugat. Pakiramdam niya pa ay tila hindi siya nakaaalis kahit na diretso lang naman ang kaniyang paghakbang. Hindi siya puwedeng tumigil sapagkat kung gagawin niya mawawalan siya ng mahalagang tao sa kaniyang buhay. Kung kaya nga pilit niyang nilabanan ang kaniyang sariling gusto ng bumagsak. Kaunting lakad pa nga ay narinig niya ang pagsigaw ng kaniyang kaibigan dulot ng pagkasindak. Dahilan para bilisan niya ang pa paghakbang kahit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


