"GAWIN niyo ang lahat para hanapin ang mga gumawa nito sa anak ko. What kind of school is that?! Paano kung may nangyari sa anak ko ha?!" "Shh, honey calm down. Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari, may posibilidad na ma-suspende ang mga studyanteng 'yon." "Suspended?! I want them to expell Enrico!" Bahagya kong ginalaw-galaw ang daliri ko nang marinig ang mga boses na 'yon, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa paningin ko ang puting kisame at sumunod ay ang amoy gamot na 'yon. "Oh my God iha!" Kinurap-kurap ko muna ang mata ko para masanay sa liwanag pagkuway bumaling ako sa gilid ko. Nakita ko sa gilid ng kama sina Mrs. Arsena at si papa. Hinawakan nila ang kamay ko. “Hey baby are you okay?" Nag-alalang tanong ni papa. Hindi naman a

