Prologue
"YVONNE!"
Nagmamadaling pinahid ko sa mukha ko ang natitira pang grasa, pati leeg ko ay nilagyan ko na saka braso. Sigurado ako na hindi na ako makikilala sa itsura kong 'to. Malawak ang ngiti na bumaling ako sa may-ari ng boses na 'yon. Nakita ko si Nadiya na may hawak na palaspas, kunot ang noo na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Tigilan mo nga ako sa Yvonne mo. One ang pangalan ko." Sabi ko pa habang inaayos ang grasa sa katawan ko.
“Ano 'yang gimik mo babae?" Tanong niya na hindi pinakinggan ang sinabi ko, umismid ako saka namewang sakanya.
"Alam ko naman kung bakit mo ako hinahanap eh. Mukhang alam na ni mang Celso ano?" Sabi ko pa. Tinaas niya ang hintuturong daliri at pinanlakihan ako ng mata.
"Oo, talagang lagot ka! At saka..." Aniya saka binaba ang daliri at pinamewangan ako. "....sa tingin mo hindi kapa rin mabubuko diyan sa itsura mo? Magtigil ka Yvonne, ang mama mo na naman mapag-iinitan non."
Umismid ako saka tumingin sa malayo. "Hindi ako nagpahid ng grasa para magtago sa matandang 'yon." Sabi ko saka ako tumingin sa mga taong dumadaan sa gilid ng kalsada. May mangilan-ngilan na tumitingin sa direksyon ko partikular sa itsura ko.
'Wala naman akong pakialam sakanila eh...'
Nakita ko ang isang lalaki na naka-itim na jacket. Bumaba ang tingin ko sa bulsa niya, biglang may kumislap na kinang sa mata ko.
'......dahil ang mahalaga lang sakin ay ang bulsa nila.'
"Ayun, ang ganda naman pala talaga ng diskarte mo." Narinig kong sarkastikang sabi ni Nadiya. Binalingan ko siya saka ako ngumiti ng inosente. Tinukod ko ang isang kamay ko sa posteng nasa gilid ko saka ako dumura sa lupa at palihim na sinundan ng tingin ang lalaking 'yon na palayo na. Binalingan ko muli si Nadiya.
"Ano bang bago sa trabaho ko ha? Kapag nakuha ko ang laman ng bulsa ng lalaking 'yon sigurado ako na tapos na din ang problema ko sa utang ko kay tanda. Saka mabibilhan ko na din ng gamot si mama at siyempre 'yung pangarap na teddy bear ni my loves Greta." Napangiti pa ako sa huling sinabi ko.
Ngumiwi sakin si Nadiya. "Oo, kapag nakuha mo ang laman ng bulsa ng lalaking 'yon at nahuli ka. Tapos 'yang pangiti-ngiti mo gaga ka. Saka pine-perahan ka lang ng malanding Greta na 'yon dahil alam niyang patay na patay ka sakanya. Pero ang totoo ayaw non sa tomboy."
"Tss..... pake mo." Ismid ko at muling bumaling sa direksyon ng lalaking 'yon. Nakita kong huminto siya sa paglalakad habang may kinukuha sa likod ng bulsa ng pantalon.
"Sandali ah....." Sabi ko saka may pagmamadaling lumapit sa direksyon ng lalaking 'yon. Inayos ko ang suot kong sumbrelo na may butas pa sa likod. Tumingin-tingin muna ako sa paligid, nang makita kong may tumabi sakanyang babae ay umatras muna ako habang nakatingin sa bulsa niya. Palihim na napangiti ako nang makita kong isinuksok niya ang wallet sa likod ng bulsa niya. Nang muli siyang humakbang ay sumunod ako. Habang sumasabay ako sa paghakbang niya ay hindi ko mapigilang pasadahan ang itsura niya.
Matangkad siyang tao, tantiya ko hanggang balikat lang niya ako. Nakasuot pa siya ng adidas NMD shoes na kulay black at itim na pants. Muling umangat ang mata ko at tumuon 'yon sa buhok niyang makapal at bahagyang kulot na kulay dark brown. Maputi naman ang balat niya at mukhang alagang-alaga sa katawan. Napangisi ako.
'Mukhang Jackpot ka talaga ngayon One...'
Nanlalaki ang matang tumingin ako sa ibang direksyon nang bigla siyang lumingon. Sumipol-sipol pa ako habang nakatingin sa kalsada. Muli ko siyang binalingan, nakita kong may nilapitan siyang lalaking matanda.
"Alam niyo ba kung anong lugar 'to?"
Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ko ang tanong niya. Palihim naman akong lumapit.
"Ha? Aba'y Roxas Boulevard baywalk 'to, naliligaw kaba iho?" Narinig kong sabi naman ni manong.
"Ah, ganon na nga ho eh. May alam po ba kayong hotel dito para doon muna ako habang hinihintay ko ang kapatid ko?"
'Ano 'yon? Wala siyang kotse?'
Patuloy naman akong nakinig sakanila.
"Ah, doon subukan mo sa Hotel Jen, sa may Service Rd. Kaya mo ng lakarin 'yon, delikado ka kapag nagpa-gabi ka dito. Maraming maloloko na dito." Sabi pa ni manong, napalabi naman ako.
"Sige, salamat po." Sabi ng lalaking 'yon.
"Mag-iingat ka diyan.." Ani pa ni manong saka nilagpasan ang lalaking 'yon. Tinignan ko ang lalaking 'yon na nag-umpisa namang naglakad. Muli akong sumunod sakanya, nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Parang kumislap ang mata ko nang makita ko ang cellphone na hawak niya.
'Kaya lang, malabong makuha ko 'yon. Ayos na sakin ang nasa likod niya.'
"Hey? Nasaan kana?" Narinig kong tanong niya habang nakadikit ang cellphone sa tenga. Nakita kong humarap pa siya sa malawak na tubig sa harap. Humarap din ako sa tubig sa ngunit ang mata ko ay nasa bulsa niya.
"Can you please shut up?! I need a f*****g car! Hihintayin kita sa Hotel Jen maliwanag ba? Don't make me mad Veronica I swear." Narinig kong gigil na sabi niya sa kausap. Inalis ko ang tingin ko sa bulsa niya at tumingin sa mukha niya. Sakto namang bumaling siya sa direksyon ko at nagtama ang mata namin. Halos umawang ang labi ko nang matitigan ko ang mukha niya.
'Shet.... mas gwapo siya sakin.'
Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya mula sa mukha ko hanggang sa paa ko. Sa mga ganitong pagkakataon wala naman akong ibang nararamdaman o pake sa iniisip ng mga tao sa akin pero hindi ko alam kung bakit nakakaramdaman ako ng hiya sa klase ng tingin niya. Napakurap ako nang inalis niya ang mata sakin saka tumalikod. Napalunok naman ako.
'Shit....ano na?! Ano na One galaw na!’
Kusa namang humakbang ang paa ko at mabilis na lumapit sakanya. Mabilis kong hinaklit ang wallet sa likod ng bulsa niya.
"What the----HEY!!"
Mabilis akong tumakbo palayo habang hawak ng mahigpit ang wallet niya, bumaling pa ako sa direksyon niya.
'Sorry pre, dala ng pangangailangan!'
Muli kong binilisan ang pagtakbo ko. Wala namang nagawa ang mga taong nakasunod ang tingin sakin.