"HMP! Akala ko pa naman cash ang laman. Eh dalawang libo lang naman pala."
Inis na hinagis ko sa sulok ang card na hawak ko. Kaya ko namang gawan ng paraan para makuha ang laman ng credit card niya, ang problema nga lang sigurado ako na ginawan niya na ng paraan 'yan para ma-diactivate. Sinuksuk ko sa bulsa ko ang pera saka muling sinilip ang laman ng wallet. Natigilan ako nang makita ko ang isang litrato na nakatago sa likod ng ATM card. Kinuha ko 'yon, natigilan ako nang makita ko ang mukha ng lalaking 'yon.
'Ang gwapo naman pala talaga niya..'
Tingin ko halos hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti habang tumatagal ang titig ko sakanya. Hinagis ko sa ilalim ng papag ko ang wallet saka ako tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa papag.
"Ayos 'to ah... malalandi daga dito samin. Pwedeng panakot.." Natatawang bulong ko, lumapit ako sa tokador ko saka sinuksok sa ilalim ang larawan na 'yon. Kalimitan kasi na tinitira ng mga daga dito samin ay 'yung mga damit ko. Sinara ko 'yon saka natungo sa pinto, ngunit saktong tumama ang mata ko sa mga picture frame nakasabit sa dingding. Tinitigan ko ang isang larawan ko doon na nakasuot ng toga. Picture ko 'yon noong gumradweyt ako ng elementary. Third year highschool lang ang natapos ko. Kailangan ko na kasing tumigil para maka-focus ako kina mama. Akala ko makakahanap agad ako ng trabaho, ang problema ko kulang-kulang ako sa mga papeles. Tingin ko pa, hindi ako ganon ka-swerte sa pagta-trabaho. Palagi kasi akong napapa-alis sa maraming dahilan.
'Hindi bale, susubukan ko uling mag-apply sa iba..'
Lumabas naman ako ng kwarto ko saka tumingin sa kabilang pinto kung saan doon ang kwarto ni ate Cathlyn. Sa ibaba naman ang kwarto nila mama at Tito Pancho kasama ng bunso naming si Anthony. Tumingin naman ako sa maliit na sala na naka-pwesto na mismo sa harap ng kwarto namin.
"Bumaba kana ba? Kanina kapa hinahanap ni mama."
Bumaling ako sa may-ari ng boses na 'yon, nakita ko si ate Cathlyn na nagsusuklay ng buhok. Nakasuot siya ng pants at long sleeve.
"Ayos na ayos ka ha? Saan lakad mo?"
"Inaya kasi ako ng isang regular customer ko. May outing sila sa Batangas, malaki din ang kikitain ko sa pagsama ko." Sabi pa niya habang patuloy pa din sa pagsusuklay. Ilang sandali ko namang tinitigan si ate.
"Ate, kapag nagtrabaho ba ako hindi kana papasok diyan?"
Natigilan naman siya at tinignan ako.
"Yung kinikita mo nga noon sa pagtatrabaho na minimum na kulang pa din satin eh.." Sabi niya saka bumulong. ".....sa alak pa lang ni tanda kapos na."
Hindi naman ako nakapagsalita. Napatingin ako may hagdan nang matanaw ko si tito Pancho. Doon pa lang ay kita ko na agad ang malagkit na tingin niya kay ate. Tumingin ako kay ate at sinenyasan siya. Nakita kong natigilan naman siya at mabilis na bumaling sa likod niya.
"Mukhang napapadalas ata ang alis mo ah." Sabi ni tito Pancho habang titig na titig kay ate. Pakurap na binawi ko ang tingin ko sakanila.
"Malaki ang ibabayad sakin ng customer ko sa outing nila..." Narinig kong malamig na sabi ni ate. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paghawak ni tito Pancho sa braso ni ate. Palihim na kumuyom ang kamao ko habang nakatitig sa sahig.
"Ganon ba, sabi ko naman sayo eh. Magugustuhan mo ang trabahong pinasok ko sayo. Bakit hindi mo kaya isama 'to si Yvonne? Kaysa naman palaging nandiyan sa labas at konti lang naman ang kinikita."
Walang imik na naglakad naman ako at nilagpasan sila.
"Hindi bale na lang!" Pabalang na sabi ko. Nakailang hakbang pa lang ako sa hagdan nang maramdaman ko ang malakas na batok sa likod ng ulo ko. Tumalsik ang sumbrelong suot ko at muntikan pa akong ma-out of balance. Buti na lang at nakahawak agad ako sa gilid ng hagdan.
"Umayos ka ng sagot mo sakin gago ka ah!" Galit na sabi niya, matalim ang matang tinignan ko siya mula sa taas ng hagdan. Nakita ko namang pumasok sa loob ng kwarto si ate at sinara ang pinto.
"Ano?! Lalaban kana!" Bulyaw niya pa sakin. Ilang sandali akong nakipaglaban ng titigan sakanya. Walang imik na tumalikod ako pagkuway kinuha ang sumbrelo sa hagdan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Sa oras na ipasok kita sa club si Cecil wala ka ng magagawa! Tignan ko lang kung saan abutin 'yang pagmamatigas mo!"
'Huh! Mas gugustuhin kong mamatay na lang kaysa pumasok sa trabahong 'yan!
Kuyom ang kamao na lumapit ako sa pinto para lumabas.
"Bakit sumigaw na naman ang tito mo?"
Bumaling ako sa likuran ko, nakita ko si mama na mukhang kalalabas lang ng kusina. Umuubo pa siya habang nagpupunas ng kamay. Naiiling na lumapit naman ako sakanya at inalalayan siya.
"Bakit lumabas ka sa kwarto mo ma? Tapos kumilos kapa ata sa loob, alam mo namang bawal ka kumilos 'diba?" Sabi ko sakanya inaalalayan siyang umupo sa silya.
"Naku, alam mo naman na hindi ako sanay na---
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sa ubo. Naiiling na umayos ako ng tayo sa gilid niya saka hinaplos ang likod niya. Nag-positive si mama sa TB, kailangan ma-maintain ko ang medication niya. Kaya kahit na mabaon kami sa utang ni ate hindi namin pinapabayaan ang pangangailangan ni mama.
"Puntahan mo nga ang kapatid mo sa labas at mukhang may kaaway na naman kanina." Turo ni mama sa pinto.
"Sige, pasok kana ma sa kwarto ha? May ulam naba tayo?"
Umiling naman siya habang panay pa din ang ubo.
"Sige, bili muna ako sa labas." Sabi ko, ilang sandali kong tinignan si mama saka ako tumalikod at lumabas ng bahay. Nalanghap ko agad ang kakaibang amoy ng hangin, tumingin ako sa paligid ko. Malapit ng dumilim pero ang dami pa ding bata na naglalaro. Kahit mga chismosa nandito pa din sa labas. Naiiling na tumingin na lang ako sa mga batang naglalaro.
"Asan na kaya 'yung batang 'yon..." Bulong ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko ang kapatid ko na naglalaro pa ng kotse-kotsehan.
"Anthon! Pumasok kana sa bahay!" Sigaw ko sakanya, bumaling naman siya sa direksyon ko kasabay ng mga kalaro niya.
"Shandali lang ate!"
Dinuro ko siya. "Pagbalik ko at nandiyan kapa sasarhan uli kita ng pinto." Banta ko pa.
Opo!" Sabi pa niya at muling bumalik sa paglalaro. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papunta sa kabilang kanto. Baka luto na lang ang bilhin ko, sa ubod ng arte ng matandang Pancho na 'yon gusto niya may nakahanda agad na ulam sa mesa eh.
'Sa oras lang talaga na kaya ko ng dalhin sila mama, iiwan talaga namin ang matandang Pancho na 'yan.’
"Hoy babae!"
Natanaw ko si Nadiya na papasalubong sakin.
"Ano na naman 'yon? Nakita mo ba si tandang Celso? Huhulugan ko sana eh." Sabi ko nang makalapit siya, sumabay naman siya sa paglakad ko.
"Wala. Hindi ko napansin, pero gagi ka. May pumuntang mga pulis dito kanina kasama 'yung lalaking kinuhanan mo ng wallet."
Natigilan ako sa paghakbang at bumaling kay Nadiya.
"Anong sabi mo? Lalaki?"
Tumigil din siya sa paghakbang.
"Oo, anong akala mo umalis na ako kanina? Saka maraming nakakita sayo na dumeretso ka dito sa loob kaya dito nagtungo 'yung mga pulis na 'yon. Hindi ka nag-iingat, buti na lang hindi ka namumukhaan nung lalaki."
"May nagsumbong ba sakin?"
"Wala. Takot lang sayo ng mga tambay dito." Sabi pa niya, nakahinga ako ng maluwag.
"Ah... edi ayos pala." Sabi ko saka nilagpasan siya. Naramdaman ko naman ang batok ni Nadiya.
"Anong ayos sinasabi mo diyan? Eh paano kung namukhaan ka ng lalaki? Oh dikaya namukhaan ka ng isa sa mga chismosa dito? Edi yari kana."
"Tsk..." Matalim ang matang binalingan ko si Nadiya. "....g*go ka, binatukan na ako ng matanda doon babatukan mo din ako." Sabi ko pa sakanya saka ko siya tinalikuran.
"Sinaktan ka na naman ng step-father mo?" Tanong ni Nadiya na humabol pa sa paglakad ko. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at pinagsiklop ko sa batok ko pagkuway huminga ng malalim.
"Binatukan lang ako, balak atang ipasok din ako sa club gaya ng ginawa niya kay ate. Huh! Hindi mangyayari 'yon."
Narinig kong tumawa ng malakas ang katabi ko, binalingan ko si Nadiya.
Anong nakakatawa?"
Natatawang bumaling siya sakin. "Kasi ikaw? Ipapasok sa club? Baka sa bungad pa lang ng pinto sigawan kana agad ni aling Cecil. Eh mas lalaki kapa kumilos sa mga bouncer nila eh. Tapos baka ligawan mo lang mga dancer doon. Saka isa pa, mukha kang mabaho, hindi ka nag-aayos ng sarili mo."
Inirapan ko siya saka tumingin sa daan. "Siraulo.."
"Pero seryoso lang ah, bakit hindi mo kaya hanapin ang papa at ang kambal mo? Baka mamaya doon pala gumanda buhay niyo."
Umismid naman ako habang nakatitig pa din sa daan.
“Bakit ko gagawin 'yon? Umalis na siya bakit pa kami maghihintay na babalik siya? Saka isa pa, wala akong pakialam sakanilang dalawa." Malamig na sabi ko.
"Sus, naku ka. Baka mamaya sila lang din pala kailangan mo para umangat kayo sa buhay."
Inis na bumuga ako ng hangin saka bumaling sakanya.
"Tumahimik ka na nga diyan, ligawan kita diyan eh."
Nakita kong ngumiwi siya. "Eeeww!"
Ngumisi ako saka ko binaba ang mga braso ko.
"Arte mo..." Bulong ko, bumaling ako sa paligid.
"......nakita mo ba si Greta?" Tanong ko kay Nadiya.
"Hindi, baka kasama na naman 'yung lalaking naka-kotse kahapon."
"Tss.. salamat sa sinabi mo ah." Sarkastikong sabi ko. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang carenderia, habang nakasunod pa din sakin si Nadiya.
"Paano pala kung isang araw, dumating papa mo o 'dikaya 'yung kambal mo? Anong magiging reaksyon mo?" Tanong ni Nadiya nang nasa bungad na kami ng carenderia. Natigilan ako sa tanong niya, huminga ako ng malalim saka ko siya binalingan.
"Madali lang silang palayasin.." Malamig na sabi ko saka ako pumasok sa loob ng carenderia.