"HINDI kana ba nahihilo?" Kinapa-kapa ko muna ang bandage sa sentido ko pagkuway ngumiti sa kaharap ko. "Okay na 'ko...." Sabi ko pa sakanya, umayos ako ng pagkakasampa ko sa kama. "....hindi naman masakit eh." Ngumisi siya sakin. "Hindi daw masakit pero halos mawalan ka na ng malay kanina." Natawa lang ako ng mahina sa sinabi niya. Nagpapasalamat talaga ako at nandiyan siya, dahil kung hindi ko siya kasama kanina baka wala na ako sa sarili ko para lang maka-alis sa pagkakapahiya ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagawa 'yon ni Ashton. Ni wala man lang siyang nagawa kanina para tulungan ako, pinanood niya lang ako. Iyon ang bagay na masakita para sakin. "Hey, I'm sorry...." Sabi ng kaharap ko. Tumingin naman ako kay Carson. "Sorry saan?" Bumu

